Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 16 October 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/14

Tagalog News: Bamboo floats, inihahanda ng AFP-SOLCOM para ipamigay sa mga barangay ng Laguna at Rizal

by Ruel Orinday

Lucena City (14 October) -- Ang Armed Forces of the Philippines (AFP)- Southern :Luzon Command sa pangunguna ni SOLCOM Commander Roland Detabali ay patuloy na tumutulong sa mga biktima ng bagyong "Ondoy" sa mga apektadong lugar sa lalawigan ng Laguna at Rizal sa pamamagitan ng rescue and relief operation.

Bukod dito, tuloy-tuloy din ang kanilang pangangalap ng mga donasyon sa mga kasundalohan (cash or in kind) para ipagkaloob sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad sa mga bayan ng Laguna at Rizal.

Sa kasalukuyan, naghahanda rin ngayon ang AFP-SOLCOM sa paggawa ng mga balsa o bamboo floats para ipamigay sa mga barangay officials sa nasabing dalawang lalawigan para gamitin sa pagliligtas ng buhay at mga ari-arian ng mga naninirahan sa mga apektadong lugar. Ang bamboo floats ay maaari ding gamitin hindi lamang sa ngayon kundi sa mga susunod na panahon ng pagkakaroon ng kalamidad kagaya ng pagbaha dulot ng bagyo.

Noong kasagsagan ng bagyong "Ondoy", ang AFP-SOLCOM ay isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na nanguna din sa pagtulong sa mga biktima ng nasabing kalamidad.

Kaugnay nito, umabot naman sa halagang 28.5 milyong piso ang ang donasyong nalikom ng Oplan Sagip Bayan ng Malakanyang simula nang ito ay mag-umpisa ng operasyon. Ang nasabing donasyon ay ipapamahagi sa mga libo-libong biktima ng kalamidad sa National Capital Region (NCR) at sa lalawigan ng Rizal. (PIA4A) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»LTO warns fog lighting motorists
»Soldiers pledge to fight graft and corruption
»NPA leader yields in Davao Oriental
»PPA integrates Dapitan Baseport to Southern Mindanao
»Tagum sends personnel for supervisory training
»7th Kaimonan Festival '09 held in Tagum
»Tagum City bags 2009 National Best PESO Award
»Tagalog News: "Oplan Kandado" ipinatupad ng BIR sa Ilocos Norte
»Antiqueños commemorate 30th death anniversary of Justice Calixto Zaldivar
»PGMA announces creation of special national public-private Reconstruction Commission
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines