Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2018 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/15

Tagalog News: Ecotourism code ordinance isinusulong sa Sorsogon

Sorsogon Province (15 October) -- Isang Ecotourism Code ordinance ang sa ngayon ay binubuo ng Sangguniang Panlalawigan na magsusulong sa ecological tourism ng probinsya ng Sorsogon.

Ayon kay Sanggunian Panlalawigan member Francisco Ravanilla, inaayos na lamang nila ngayon ang ilang mga teknikalidad bago tuluyan nang isaordinansa ang ecotourism code ng lalawigan.

"Ang Sorsogon ay mayaman sa iba't-ibang mga tourist attractions na tiyak na makatutulong sa pagsusulong ng lokal na ekonomiya, subalit hindi dapat kalimutan na maaaring magdulot din ng negatibong epekto ang pagsusulong ng industriya ng turismo kung kaya't mahalagang magkaroon ng ecotourism code upang mabigyang giya ang mga nasa industriya ukol sa tamang pangangalaga ng kalikasan sabay sa pagsusulong din ng turismo," pagdidiin ni Ravanilla.

Nakapaloob sa nasabing koda ang mga hakbang na dapat gawin kung saan sa pagsusulong ng turismo ay dapat na isaalang-alang ang mga pundasyon ng ekolohikal na turismo tulad ng sustenableng pamamahala ng mga natural at kultural na yaman ng lalawigan, pagbibigay kakayahan sa mga lokal na komunidad at pati na rin ang environmental education at conservation awareness.

Kabilang din dito ang pagsusulong ng mga lokal na produktong naaayon sa panlasa, kagustuhan at pangangailangan ng mga dadayong turista at ang pagsuporta sa bansa upang gawin itong globally competitive ecotourism destination.

"Sa pamamagitan ng ecotourism code na ito makatutugon din ang pamahalaang panlalawigan sa national ecotourism program ng pamahalaang nasyunal alinsunod sa mga istratehiyang pangekolohikal ng bansa," pahayag pa ni Ravanilla.

Makikita rin sa nasabing koda ang mga tuntunin at indikasyong tityak sa angkop na pagsusulong ng ecotourism industry.

Samantala, positibo naman si Sorsogon Governor Sally Lee na sa oras na maipasa at maipatupad na ang nasabing ecotourism code ay magdadala ito ng kakaibang pagkakakilanlan ng turismo sa lalawigan maliban pa sa katiyakang maisusulong ang pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng turismo na hindi nasisisra ang kalikasan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Personal hygiene supplies from US arrive for typhoon victims
»Bantay Lansangan volunteers to hold roadshow in Davao City
»Army condemns killing of lumads
»Manufacturers buoy rebound of exports
»Cost overruns hit P28.5-B as of 2009 Q3
»Partnerships key to fighting hunger, says WFP on World Food Day
»October 17-23 is Anti-Poverty Week
»Feature: Saving cultural heritage, empowering Davao Norte IPs
»Northern Mindanao leads poverty reduction implementation
»Army launches 22 new peace and dev't projects in ComVal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines