Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/15

Tagalog News: Post harvest facilities pinakikinabangan na ng mga magsasaka sa Bulan

Sorsogon Province (15 October) -- Nasisilbing malaking tulong ngayon sa mga magsasakang kasapi ng Pigasus Multi-Purpose Cooperative sa Brgy. San Francisco, Bulan, Sorsogon at kasapi ng Lahong-Pawa-Fabrica Irrigators Asociation saBrgy. Lahong sa bayan pa rin ng Bulan ang mga post harvest facilities na ipinagkaloob ng pamahalaan tulad flat bed dryers na may kasamang silungan at biomass furnace.

Ang pagkakaloob ng mga pasilidad ay proyekto ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng Department of Agriculture, pamahalaanG panlalawigan ng Sorsogon sa pamumuno ni Sorsogon Governor Sally Lee at ng pamahalaang bayan ng Bulan sa pamumuno naman ni Mayor Helen Rose De Castro.

Ayon kay Mayor De Castro, tiniyak niyang maibigay ang naturang mga post harvest facilities sa nabanggit na mga kooperatiba dahil sa mahusay na pamamalakad ng mga opsiyal nito sa kanilang organisasyon, bukod pa sa maayos na kredibilidad nito dahilan upang pumasa ito sa pamantayan ng pagpili kung kanino i-aaward ang nasbaing mga pasilidad.

Ang tanggapan naman ng Bulan Municipal Agriculture ang siyang nangasiwa sa pagsasaayos ng mga mahahalagang dokumento para sa nasabing proyekto.

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat ang mga magsasaka sa Bulan dahilan sa malaking tulong na naidulot sa kanila ng GMA Palay SeedProgram ng pamahalaang nasyunal na ipinatupad naman ng pamahalaang bayan ng Bulan.

Ayon kay MAO Morietta Bayoca, iba't-ibang mga barangay ang nabiyaan na ng mga certified seeds na kanilang ipinamahagi tulad ng PSBRC 18, PSBRX10 at NSIC112.

Sinabi din ni Bayoca na dahilan sa first class ang mga palay seeds na ito, nakatitiyak ng magandang ani ang mga magsasaka.

Matatandaang sa naturang programa ay pinaiiral ang hatiang iskema kung saan magbabayad ng limampung porsyento ang magsasaka bilang counterpart nila habang ang natitirang limampung porsyento ay babayaran naman ng pondong magmumula sa Department of Agriculture. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Personal hygiene supplies from US arrive for typhoon victims
»Bantay Lansangan volunteers to hold roadshow in Davao City
»Army condemns killing of lumads
»Manufacturers buoy rebound of exports
»Cost overruns hit P28.5-B as of 2009 Q3
»Partnerships key to fighting hunger, says WFP on World Food Day
»October 17-23 is Anti-Poverty Week
»Feature: Saving cultural heritage, empowering Davao Norte IPs
»Northern Mindanao leads poverty reduction implementation
»Army launches 22 new peace and dev't projects in ComVal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines