Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/15

Tagalog News: Mga Bicolano sumailalim sa DRR at emergency preparedness training

Sorsogon Province (15 October) -- Sumailalim sa dalawang araw na Disaster Risk Reduction and Emergency Preparedness Training ang mga opisyal at residente ng barangay Rangas at Aņog sa Juban, Sorsogon nitong nakaraang Sabado at Linggo sa pangunguna ng Armed Forces of the Philippines 49th Infantry Battallon 9th Infantry Division na nakabase sa bayan ng Juban at ng Provincial Disaster Coordinating Council ng Sorsogon.

Ayon kay 2nd Lt. Elizabeth Rosete, Assistant Civil Military Officer ng 49th IB, maliban sa mga opisyal at residente ng dalawang magkalapit na barangay ay lumahok din ang mga kasapi ng Municipal Disaster Coordinating Council, Municipal Disaster Coordinating Council at Municipal Police Station ng Juban pati na rin ang ilang kinatawan ng religious group na Sister of Mary Adorers of the Holy Eucharist o mas kilala sa tawag na SMAHE.

Sa pahayag pa ni Rosete, sinabi nitong unang serye pa lamang ito ng mga gagawin nilang paghahanda sa mga komunidad at pagsasanay sa mga ito upang maging katuwang din ng mga kinauukulan sa pagresponde sakaling may mga darating na kalamidad.

"Sa pamamagitan ng isinagawa nilang DRR at Emergency Preparedness Training, maihahanda ng Rangas at Anog ang kanilang mga komunidad sa pagdating ng kalamidad at sa epektong maaaring idulot nito sa kanilang buhay, ari-arian at kabuhayan," ayon pa sa kanya.

Ang mga barangay ng Rangas at Anog ay ilan lamang sa mga aydetipikado ng PDCC bilang mga lahar prone areas sa Juban.

Partikular na tinutukan sa naturang training ang mga dapat gawing paghahanda at mga kaukulang hakbang na dapat gawin sakaling pumutok din ang bulkang Bulusan.

Sa tala ng PDCC, mahigit sa dalawang libong populasyon at mahigit limangdaang mga kabahayan ang maaaring maapektuhan sa brgy. Rangas at Anog sakaling magkaroon ng pagragasa ng lahar kapag pumutok uli ang Mt. Bulusan.

Maliban ditto ay tinalakay din ng PDCC ang mga kahandaan at mga hakbang na dapat gawin bilang pagtugon sa pagdating ng iba pang mga uri ng kalamidad tulad ng baha, lindol at bagyo.

Ayon pa sa PDCC, sa kabuuan, ang bayan ng Juban ay konsideradong river at tidal flood prone, landslide prone at at lahar prone area.

Naniniwala naman ang 49th IB ng AFP at ang PDCC na mas higit na maiibsan ang panganib dala ng kalamidad kung may kaukulang kahandaan ang mismong mga residente at opisyal sa barangay level. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Personal hygiene supplies from US arrive for typhoon victims
»Bantay Lansangan volunteers to hold roadshow in Davao City
»Army condemns killing of lumads
»Manufacturers buoy rebound of exports
»Cost overruns hit P28.5-B as of 2009 Q3
»Partnerships key to fighting hunger, says WFP on World Food Day
»October 17-23 is Anti-Poverty Week
»Feature: Saving cultural heritage, empowering Davao Norte IPs
»Northern Mindanao leads poverty reduction implementation
»Army launches 22 new peace and dev't projects in ComVal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines