Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/15

Tagalog News: Sorsogon solid waste management ordinance isinusulong ng PSWMB

Sorsogon Province (15 October) -- "Ang tamang pamamahala ng basura ay hindi lamang nakaatang sa balikat ng pamahalaan kundi ito ay magkatuwang nga responsibilidad ng pamahalaan at ng bawat mamayan."

Ito ang naging pahayag ni Sangguniang Panlalawigan Board Member at Committee on Environment and Natural Resources Chairperson Arze Glipo sa isinagawang committee hearing kaugnay ng resolusyong na ipinasa sa Sangguniang Panlalawigan ng Provincial Solid Waste Management Board.

"Hangad ng nasabing Provincial Solid Waste Management Board na maipasa ng Sangguniang Panlalawigan ang isang ordinansang magreregulate sa paggamit ng mga non-biodegradable plastic bags at packaging materials ng lahat ng uri ng mga business establishments dito sa lalawigan," ayon kay Glipo.

"Nakapaloob din dito ang pagbibigay kaalaman at edukasyon pati na ang pagbibigay insentibo sa mga mamimili na gagamit ng mga re-usable bags sa kanilang pamimili. Maging ang mga business establishments na susunod dito ay bibigyan din ng kaukulang insentibo," pahayag pa niya.

Maliban dito, binigyang-diin din ni Glipo na isasaalang-alang din sa gagawing ordinansa ang paggamit ng mga bio-degradable materials sa mga okasyong pangungunahan ng lokal na pamahalaan dito.

Partikular din niyang ibinigay bilang halimbawa ang paggamit ng mga biodegradable containers sa pagsisilbi ng mga pagkain sa mga miting at mga okasyon upang mabawasan kung hindi man tuluyang maalis ang paggamit ng mga plastic na baso at sisidlan.

"Isusulong din nito ang pagsisilbi ng mga pagkaing indigenous o yaong mga pagkaing galing sa ani ng lokal na agrikultura dito. Sa pamamagitan nito ay hindi lamang ang kalikasan ang mapapangalagaan kundi maging ang kalusugan na rin ng mga mamamayan sa lalawigan," dagpag pa niya.

Ipinahayag din ni Glipo na ang sunud-sunod na paghagupit ng mga kalamidad ngayon at ang mga epektong nararanasan sa bansa ay hindi lamang maisisisi sa kalikasan kundi sa mga naging kapabayaan na rin ng mga mamamayan partikular sa tamang pagtatapon at pamamahala ng mga basura.

Aniya malaki ang kanyang paniniwala na susuportahan ng buong kasapi ng Sanguniang panlalawigan ang adhikaing ito lalo pa't isa ito sa mga susi upang masustinihan ng bawat isa ang pangangalaga sa kapaligiran.

Samantala, ang bayan naman ng Magallanes ay nasa final stage na ng pagpasa sa kanilang Municipal Ordinance na nagbabawal na sa mga business establishments sa kanilang lugar sa paggamit ng mga plastic bags.

Kaugnay pa nito, binigyang komendasyon din ni Glipo ang Kasanggayahan Foundation, Inc. dahilan sa pagpili nito ng temang angkop sa pangangalaga ng kalikasan para sa selebrasyon ng Kasanggayahan Festival ngayong taon. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Personal hygiene supplies from US arrive for typhoon victims
»Bantay Lansangan volunteers to hold roadshow in Davao City
»Army condemns killing of lumads
»Manufacturers buoy rebound of exports
»Cost overruns hit P28.5-B as of 2009 Q3
»Partnerships key to fighting hunger, says WFP on World Food Day
»October 17-23 is Anti-Poverty Week
»Feature: Saving cultural heritage, empowering Davao Norte IPs
»Northern Mindanao leads poverty reduction implementation
»Army launches 22 new peace and dev't projects in ComVal
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines