Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/16

Tagalog News: Mga proyektong pangkaunlaran sa Oriental Mindoro patuloy na bumubuhos sa mga bayan

Calapan City (16 October) -- Ang pagpapasinaya ng mga pagawain at pasilidad at paghahatid ng iba't ibang serbisyong panlipunan nang halos linggu-linggo ay napakaliwanag na patunay na napakaraming proyektong pangkaunlaran ang naitataguyod ni Gobernador Arnan C. Panaligan para sa lahat ng mamamayan ng Oriental Mindoro.

Huling araw ng Setyembre, ang masaya at maingay na pagsalubong kay Gobernador Arnan ng mga taga-Barangay Bagong Bayan II sa bayan ng Bongabong, sa pangunguna ni Kapitan Crisanto Arguelles, ay simbolo ng pasasalamat at pagtanaw ng napakalaking utang na loob ng mga ito sa proyektong pormal na binuksan nang araw na iyon. Naging katuwang ng gobernador sa gawain si Erwin Enriquez na nagpahayag ng pagnanais na makapagsilbi sa Bongabong bilang kandidatong mayor ng partidong Lakas.

Ang pag-uunahang malapitan at makamayan ng mga mag-aaral si Gobernador Arnan ay nagpapahiwatig ng kanilang pasasalamat sa kalsadang ipinakongkreto at sa drainage canal na naipagawa para sa kanila at sa malapit sa lugar. Ang mga mag-aaral na ito ang mga pangunahing nakikinabang ngayon sa dati-rati ay maputik at binabahang kalsada papasok sa kanilang paaralang Bagong Bayan II Central School.

Ipinagawa ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang drainage canal na may habang 195.6 metro mula sa pondong P500,000. Ang kalsada namang may kabuuang habang 230 lineal meters ay naipakongkreto ng P1M pondo.

Ang pormal na pagpapasinaya ng mga proyekto ay isinabay sa pagdiriwang ng ika-29 na taon ng pagkakatatag ng Barangay Bagong Bayan II. Bukod rito, isang libreng gupitan din ang inihatid ng pamunuan ni Gobernador Arnan para sa mga taga-barangay.

Sa simpleng programa, kinilala ng Gobernador ang napakalaking potensyal ng bayan ng Bongabong sa patuloy na pag-unlad sa larangan ng agrikultura, partikular ang industriya ng pagniniyog. Ibinalita niya na dahil dito ibinilang niya ang Bongabong sa priority areas sa binalangkas na Provincial Coconut Industry Rehabilitation and Development Program. Layunin ng program ang pagpapasigla at rehabilitasyon ng industriya ng pagniniyog na sa matagal nang panahon at mga nagdaang administrasyon ay hindi napagtuunan ng atensyon.

Bukod dito, binanggit rin ni Gobernador Arnan ang maraming proyekto nang kanyang naipagkaloob hindi lamang sa Bagong Bayan II kundi sa marami nang barangay sa bayan ng Bongabong.

"Marami na pong proyekto ang nadala na ng Kapitolyo dito sa Bongabong. Ilan po sa mga pinakahuli rito ay ang health center sa Camantigue, seawall sa Masaguisi, pagpapakongkreto ng kalsada at pagpapagawa ng one-classroom building sa Ogbot, pagpapakongkreto ng kalsada sa Malitbog at Ipil, mga water systems at marami pang iba," ayon sa gobernador.

Ayon naman kay Kapitan Arguelles, ramdam nila na sinsero at walang tanging hangad si Gobernador Arnan kundi ang mapabuti ang kalagayan nilang mga nasa barangay at ang patuloy na pagsuporta sa pamunuan nito ang kanila, aniyang, tanging maisusukli.

"Isang text mo lang sa kanya sa telepono ay sumasagot na siya. Napakadali niyang lapitan, hindi ka magdadalawang-isip kapag kailangan ng inyong barangay," pahayag ni Kapitan Arguelles.

Matapos ang kanyang isang opisyal na gawain, hinarap naman ni Gobernador Arnan ang iba pang opisyal at mamamayan ng bayan ng Bongabong. Sa bahay ni Erwin Enriquez na matagal na ring bukas sa mga pangangailangan ng mga taga-Bongabong, nagmistulang People's Day sa ikalawang distrito ang araw na iyon. Ang People's Day ay ang linggu-linggo, partikular tuwing araw ng Lunes, na pakikiharap at pakikipag-usap ng gobernador mula sa mga ordinaryong mamamayan, mga opisyal ng barangay, mga kinatawan ng iba't ibang ahensya at samahan at ibang opisyal ng lalawigan.

Noong hapong iyon muling pinatunayan ni Gobernador Arnan ang kanyang sinserong hangad na makapaglingkod at makatugon sa pangangailangan ng kanyang lahat na nasasakupan. Isa-isa niyang masinsinang kinausap, isa-isang pinakinggan ang mga karaingan, nagpaliwanag sa mga proyekto ng kanyang pamunuan, lahat ay sinikap na tugunan ni Gobernador Arnan.

Sa kanyang pagtungo sa Bongabong, kinuha na rin ng gobernador ang pagkakataon upang inspeksyunin ang karagdagang proyektong hinihiling ni Kapitana Victoria Padullo ng Barangay Malitbog.

Hinihiling ni Kapitana Padullo na mapatambakan ang basketball court na ito na binabaha. Ito rin, aniya, ang nagsisilbing lugar na pinagdadausan nila ng mahahalagang okasyon sa barangay.

Ininspeksyon rin ni Gobernador Arnan ang isa pang kahilingan ni Kapitana Padullo na pagpapaayos at pagpapatapos ng kanilang barangay hall.

Matatandaang, noong mga nakalipas na buwan lamang nang maipatapos at pormal na mabuksan ang P1M road concreting project ng administrasyong Panaligan sa barangay.

Ang Barangay Malitbog, ang isa sa pinakamalaking barangay ng Bongabong. Humigit-kumulang sa 5,000 ang mamamayang naninirahan dito.

Sa isang panayam kay Kapitana Padullo, nasabing niyang hindi niya maiwasang ikumpara ang pamunuan ni Gobernador Arnan sa ibang mga nanunungkulan sa kanilang bayan at sa lalawigan sa loob ng mahigit sa dalawang dekada na niyang pagsisilbi sa barangay.

"Napakalapit sa min ni Governor Arnan sa barangay. Ako ay direktang pumupunta sa kanya para sabihin ang namin sa barangay at napakabilis niya itong natutugunan. Napaka-accommodating at napakadaling lapitan. Kung ano ang kanyang sinabi ay mapanghahawakan mo at iyon ay alam ng aming buong barangay," ayon kay Kapitana Padullo. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»President Arroyo to inaugurate P136M Bacolod-South Kabankalan Road
»DTI cautions consumers on sub-standard Christmas lights
»Comval's child code features unique provisions
»Climate change awareness heightened in schools
»Region XI gets guidelines on disaster risk reduction
»Zest Air flies Zamboanga-Sandakan route
»Eliminations for 3rd Zozobrado oration contest underway
»PGMA set to inaugurate infra projects in Neg. Occ.
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo: Importante ang ihibalo kag paghanda sa kalamidad
»Cebuano News: PGMA motimaan pagka-balaod sa Climate Change sa katapusan ning bulan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines