Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/16

Tagalog News: Agrikultura, pangunahing sandigan ng ekonomiya ng Oriental Mindoro

Dumaguete City (15 October) -- Agrikultura ang pangunahing sandigan ng ekonomiya ng Oriental Mindoro. Ito ang pinakamalaking industriyang bumubuhay sa pinakamaraming bilang ng mga mamamayan ng lalawigan kung kaya't prayoridad ng administrasyong Panaligan ang mga programang higit pang magpapaunlad sa sektor na ito.

Sa limang taong panunungkulan ni Gobernador Arnan bilang pinakamataas na pinuno ng lalawigan, bumuhos ang napakaraming bilang ng mga proyektong sumusuporta sa agrikultura. Isa sa pinakamalaki rito ang P80 M rehabilitasyon ng Baco-Bucayao Rivers Irrigation System na naisaayos sa walang tigil na pakikipag-ugnayan ng gobernador sa tanggapan ni Pangulong Arroyo at sa National Irrigation Administration. Nasa mahigit 4,000 magsasaka ng bayan ng Naujan at syudad ng Calapan ang ngayon ay maayos na napatutubigan ng proyektong ito.

Nagpagawa rin ng farm-to-market roads ang Pamahalaang Panlalawigan. Ang mga ipinakongkretong kalsada ang nagpapabilis ng paglalabas ng mga produkto mula sa kabukiran patungong mga pamilihan sa kabayanan.

Nakapagkaloob na rin si Gobernador Arnan ng suportang pinansyal bilang equity counterpart ng samahan ng mga magsasaka sa National Irrigation Administration upang maipagawa ang mga small at communal irrigation system.

Bininibigyang-diin din ang pagtataguyod ng mga teknikal na tulong sa mga magsasaka at mga pagsasanay tulad ng Farmers Field School na kung saan ay itinuturo sa mga magsasaka ang mga makabago at makakalikasang tekonolohiya sa pagsasaka.

Mahalaga ang mga ganitong pagsasanay sapagkat tinuturuan ang mga magsasakang mula sa paggamit ng tamang binhi, land preparation, sabayang pagtatanim, crop establishment, nutrient management, water management, pest management at harvest management.

Si Gobernador Arnan ay naging panauhing pandangal sa pagtatapos sa Farmers Field School on Palay Check System ng mga magsasaka ng mga barangay ng Sta. Rita, Balinggayan, Personas at Comunal o SABAPECO ng syudad ng Calapan. Nakiisa rin sa okasyon si Bokal Abraham Abas at Balinggayan Barangay Captain Evangeline Beron.

Ang mga magsasakang ito ay sumailalim sa labing-anim na linggong pagsasanay na ang pangunahing layunin ay ang itama ang ilang maling pamamaaraan ng mga magsasaka upang higit pang maparami ang bilang ng naaaning palay sa kanilang mga palayan.

Ang SABAPECO Irrigators Association ay isa sa mga benepisyaryo na mga proyektong pang-agrikultura ni Gobernador Arnan. Nabigyang na ito ng suportang pinansyal na P90,000 na ipinambili ng shallow tube wells para sa mga palayang hindi naaabot ng patubig. Umabot sa P600,000 ang flatbed dryer na naipagkaloob rin dito ng Bureau of Post Harvest Facilities. Dalawang daang sako rin ng hybrid seeds ang naibigay na rito ng administrasyong Panaligan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»President Arroyo to inaugurate P136M Bacolod-South Kabankalan Road
»DTI cautions consumers on sub-standard Christmas lights
»Comval's child code features unique provisions
»Climate change awareness heightened in schools
»Region XI gets guidelines on disaster risk reduction
»Zest Air flies Zamboanga-Sandakan route
»Eliminations for 3rd Zozobrado oration contest underway
»PGMA set to inaugurate infra projects in Neg. Occ.
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo: Importante ang ihibalo kag paghanda sa kalamidad
»Cebuano News: PGMA motimaan pagka-balaod sa Climate Change sa katapusan ning bulan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines