Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/16

Tagalog News: Programang pangkabuhayan at pangkalusugan hatid ni Gob. Arnan sa Naujan

Dumaguete City (15 October) -- Patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Gobernador Arnan, sa paghahanap ng mga pamamaraan upang maarmasan ang mga mamamayan sa paglaban sa hirap ng buhay sa panahon ngayon.

Isa sa mga pamamaraang ito ang tuluy-tuloy na pagsasagawa ng mga pagsasanay pangkabuhayan, tulad ng basic welding courses sa iba't ibang panig ng lalawigan. Ang pag-wiwelding ay itinuturing ngayong isa sa pinaka-in demand na trabaho sa loob at labas ng bansa.

Sa loob lamang ng may 15 araw, natuturuan ng mga mahahalaga at napapanahong kaalaman at kasanayan ang mga benepisyaryo ng proyekto na maaari nilang magamit upang makapagbukas ng sarili nilang hanapbuhay, o magamit sa pagtatrabaho sa mga kumpanya dito sa Pilipinas o sa ibayong dagat.

"Mahalaga ang ganitong mga pagsasanay upang mabigyan ang ating mga mamamayan ng mga kakayahan at kaalaman sa paghahanapbuhay. Kung kayo ay may kaalaman sa pagwiwelding, madaling makahanap ng trabaho, madaling makakita ng oportunidad para kayo ay makapaghanapbuhay sapagkat in-demand ngayon, hinahanap ang skilled workers sa pagwe-welding. Maliban pa sa pagwi-welding, patuloy ding nagkakaloob ang inyong Pamahalaang Panlalawigan ng iba pang mga mahahalagang pagsasanay pangkabuhayan na tiyak na mapapakinabangan ng ating mga mamamayan," pagbibigay-diin ng Gobernador sa gawain.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan sa pagtatapos ng 15 araw na Basic Welding Course sa Barangay Evangelista, Naujan noong unang araw ng Oktubre.

Apatnapu't tatlong (43) out-of-school youth at mga kababaihan ang sumailalim sa pagsasanay pangkabuhayan na itinaguyod ng Pamahalaang Panlalawigan at pinangasiwaan ng Technology and Livelihood Development Center, sa pangunguna ni TLDC Oriental Mindoro Manager Reynaldo Catibog at ng accredited trainors mula sa TESDA na sina Leonidez Helena at Johny Mayupao.

Sampung kabataan mula sa mga nagsipagtapos ang magiging iskolar ng pamunuan ni Gobernador Arnan, kabalikat pa rin ang TESDA, para kumuha ng sunod na antas ng welding course. Magkakaloob din ang Pamahalaang Panlalawigan ng isang welding machine sa barangay upang magamit ng mga taga-rito sa kanilang paghahanap-buhay.

Sa programa, nakiisa sina Calapan City Vice-Mayor Rafael L. Infantado, at ang mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina Bokal Abraham Abas at Bokal Robert Concepcion.

Sa okasyon, ipinaabot ni Vice-Mayor Infantado ang taus-pusong pagbati sa mga nagsipagtapos sa pagsasanay at ibinahagi ang kanyang karanasan sa paglilingkod sa pamahalaan - una bilang konsehal ng barangay, hanggang sa kanyang pagiging ikalawang-punong lungsod ng Calapan.

"Itinuturing kong napakalaki ng aking utang na loob sa bayan ng Naujan sapagkat dito nahubog ang aking hangaring makapaglingkod sa pamahalaan. Naging municipal secretary po ako dito sa loob ng apat na taon. Kaya lubus-lubos po ang aking pasasalamat sa bayan ng Naujan. Nagsilbi rin po akong konsehal ng Barangay, at nakapaglingkod bilang Bokal ng unang distrito ng lalawigan. Nais ko po sanang ibalik sa inyo ang aking pasasalamat sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng aking paglilingkod sa ating pamahalaan bilang opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan, kasama ni Governor Arnan," pahayag ni Vice Mayor Raf.

Maliban sa proyektong pangkabuhayan, hinatid rin ni Gobernador Arnan sa Barangay Evangelista ang isa pang mahalagang programa ng kanyang administrasyon - ang Programang PhilHealth Para sa Masa.

Tinanggap ni Kapitana Pedrozo kay Gobernador Arnan ang ID cards para sa 292 pamilyang benepisyaryo ng Programang PhilHealth Para sa Masa sa kanilang barangay.

Dito, inilahad ni Gobernador Arnan ang mga buhay na halimbawa ng mga natulungan ng kanyang programang pangkalusugan na pinatutunayan ng mga tunay na karanasan ng mga benepisyaryo ng programa kabilang na rito si Mang Renato Bernardino, 51 taong gulang ng Barangay Evangelista, na inoperahan sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ast dahil sa PhilHealth, nagbayad lamang ng P500 mula sa dapat ay P4,000 na bayarin nila sa ospital. Gayundin si Aling Erlinda Buncato, 65 taong gulang na naoperahan naman sa gall stones sa isang ospital sa Calapan. Binayaran ng PhilHealth ang P20,000 sa kabuuang bill niya na P65,000.

"Ang karanasan nina Mang Renato, Aling Erlinda at maraming iba pang mga pamilyang nakinabang na sa ating programang pangkalusugan na pagbibigay ng health insurance ay mga kongkretong patunay sa kahalagahan ng proyektong ito, mga patunay na ang ating programa ay malaki ang naitutulong sa ating mga mahihirap na kababayan," ayon pa sa Gobernador.

Sa ngalan ng kanyang mga nasasakupan, pasasalamat ang paabot ni Evangelista Bgy. Captain Rosemarie Pedrozo sa pamunuan ni Gobernador Arnan sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan sa kanilang barangay na mapabilang sa nabanggit na programang pangkabuhayan at sa pagkakaloob sa kanila ng health insurance.

Samantala, bagamat hindi kasama sa kanyang opisyal na lakad noong araw na iyon, dumaan si Gobernador Arnan sa Evangelista Elementary School upang personal na tingnan ang kahilingan ng paaralan na na maipaayos ang bubong ng mga silid-aralan na ipinaabot ng principal nitong si Madam Cleofe Padrones. Nangako ang Gobernador na papupuntahan niya sa lalong madaling panahon sa mga taga-Kapitolyo ang paaralan upang ito ay inspeksyunin at masolusyunan.

Ipinaabot naman ni Evangelista Elementary School Principal Cleofe Padrones ang kahilingan nilang maipaayos ang bubong ng kanilang mga silid-aralan. Bilang tugon, sinabi ni Gobernador Arnan na ipaiinspeksyon niya ito para sa kaukulang aksyon ng kanyang pamunuan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»President Arroyo to inaugurate P136M Bacolod-South Kabankalan Road
»DTI cautions consumers on sub-standard Christmas lights
»Comval's child code features unique provisions
»Climate change awareness heightened in schools
»Region XI gets guidelines on disaster risk reduction
»Zest Air flies Zamboanga-Sandakan route
»Eliminations for 3rd Zozobrado oration contest underway
»PGMA set to inaugurate infra projects in Neg. Occ.
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo: Importante ang ihibalo kag paghanda sa kalamidad
»Cebuano News: PGMA motimaan pagka-balaod sa Climate Change sa katapusan ning bulan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines