Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/16

Tagalog News: Pangangalaga at proteksyon sa Mount Halcon, tinalakay

Dumaguete City (15 October) -- Kasama ng katutubong Mangyan at Tamaraw, ang Bundok ng Halcon ang isa sa ipinagmamalaking simbolo ng isla ng Mindoro. Kaya mahalaga na mapangalagaan ito at maipreserba ang pagkakaiba-ibang buhay na matatagpuan dito, para sa mga susunod pang henerasyon ng mamamayan ng isla.

Kaugnay nito, inilunsad ang tatlong araw na Mount Halcon Conservation and Management Planning Workshop na sinimulan noong Setyembre 23 sa Kapitolyo sa layuning makapagbuo ng isang organisadong sistema ng pangangalaga at proteksyon sa Mount Halcon na katanggap-tanggap para sa lahat ng mga konsernadong sektor sa isla ng Mindoro.

Ang gawain ay magkakasamang itinaguyod ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) sa pangangasiwa ni ENRO Mike Jumig, DENR, Mindoro Biodiversity Conservation Foundation, Inc. (MBCFI) at ng National Commission on Indigenous People's (NCIP).

Dinaluhan ang gawain ng mga opisyal at kinatawan ng mga barangay at mga pamahalaang bayan ng Baco, San Teodoro, at Naujan na ang mga lupain ay sumasakop ilang bahagi ng bundok Halcon, ang mga opisyal at myembro ng mga samahan ng katutubong Mangyan sa lalawigan, NGOs, PNP, Philippine Army at mga kinatawan mula sa akademya.

Sa pamunuan ni Gobernador Arnan at sa lahat ng mga nagtaguyod ng gawain, taus-pusong pasasalamat ang paabot ng mga katutubo, sa pamamagitan ni NCIP Provincial Director Rey Luna, sa pagtataguyod ng nabanggit na gawain at hiniling na tulungan silang maipreserba ang Mount Halcon at ang lahat ng mga likas na yamang matatagpuan dito. Kasama, aniya, ang bahagi ng mga lupaing nasasakop ng Mt. Halcon sa lupaing ninuno ng mga katutubong Alangan at Iraya sa lalawigan at mahalaga para sa kanila na maprotektahan ito mula sa mga mapanirang gawain ng tao.

Sa gawain, kabilang sa mga tinalakay ni MBCFI Executive Director Emelina Mandia ang ecological at biological significance ng Mount Halcon.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang mga sumusunod: Revisiting Mount Halcon's Cultural Diversity, Mount Halcon as an Eco-Tourism Destination, Policy Context and Consideration in the Management of Mount Halcon, Situational Analysis, at Defining Strategic Actions in Broad Strokes.

Sa pagtatapos ng gawain, napagkasunduan na magkakaroon ng presentasyon ng kanilang KAPLANO ang mga katutubo gayundin ang mga barangay at bawat pamahalaang lokal para tukuyin ang mga mahahalagang gawaing kinakailangang ipatupad kaugnay sa pangangalaga at proteksyon ng Mount Halcon. Nakaplano itong isama sa annual investment plan ng mga konsernadong pamahalaang lokal. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»President Arroyo to inaugurate P136M Bacolod-South Kabankalan Road
»DTI cautions consumers on sub-standard Christmas lights
»Comval's child code features unique provisions
»Climate change awareness heightened in schools
»Region XI gets guidelines on disaster risk reduction
»Zest Air flies Zamboanga-Sandakan route
»Eliminations for 3rd Zozobrado oration contest underway
»PGMA set to inaugurate infra projects in Neg. Occ.
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo: Importante ang ihibalo kag paghanda sa kalamidad
»Cebuano News: PGMA motimaan pagka-balaod sa Climate Change sa katapusan ning bulan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines