Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/16

Tagalog News: Mga programang pangkalusugan patuloy na tinututukan

Dumaguete City (15 October) -- Patuloy na tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Health Office at mga sangay nitong ahensya ang mga programang pangkalusugan na kabilang sa mga pangunahing programa ng administrasyong Panaligan.

Ito ang napag-alaman kay Provincial Nutrition Action Officer Noreen Dacula sa isinagawang Orientation on Garantisadong Pambata Mass Treatment na dinaluhan ng mga municipal health officers at municipal sanitary inspectors.

Kabilang sa mga tinututukan ngayon ng PHO katuwang ang Provincial Nutrition Council ay ang pamamahagi ng Vitamin A capsule sa mga sanggol na may edad na 6 hanggang 11 buwan at gamot pampurga sa mga batang may edad na isa hanggaang 6 na taong gulang.

Ipinaalam ni PNC Officer Dacula na ang mass treatment ng deworming ang nangunguna ngayong public health intervention na tinututukan ng kanilang tanggapan dahil ang kakulangan nito ang malakas makahatak pataas ng antas sa malnutrisyon. Ang mga batang hindi nalalapatan nito ay makikilala sa mga batang bagama't malakas kumain ay payat at malaki ang tiyan.

Kabilang pa rin sa tinututukan ng PNC ang salt iodization program at food fortification program. Sa ilalim ng salt iodization program, isinasagawa ang household testing, patak asin sa pamilihan at sa warehouse, at ang puspusang pagmo-monitor sa mga ibinebentang asin sa pamilihan.

Kaakibat pa rin ng gawaing ito ang layuning maiangat ang Oriental Mindoro sa kalagayan nito mula sa pagkakabilang sa 24 na pinakamahihirap na lalawigan sa bansa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»President Arroyo to inaugurate P136M Bacolod-South Kabankalan Road
»DTI cautions consumers on sub-standard Christmas lights
»Comval's child code features unique provisions
»Climate change awareness heightened in schools
»Region XI gets guidelines on disaster risk reduction
»Zest Air flies Zamboanga-Sandakan route
»Eliminations for 3rd Zozobrado oration contest underway
»PGMA set to inaugurate infra projects in Neg. Occ.
»Hiligaynon News: Pangulong Arroyo: Importante ang ihibalo kag paghanda sa kalamidad
»Cebuano News: PGMA motimaan pagka-balaod sa Climate Change sa katapusan ning bulan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines