Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/19

Tagalog News: PGMA nanawagan sa PNOC-AFC na abutin ang jathropa target

Manila (19 October) -- Hinikayat ng Pangulong Arroyo ang Philippine National Oil Corp.-Alternative Fuels Corp. (PNOC-AFC) na abutin ang target na 10,000 ektaryang lupain na matataniman ng jathropa sa Panay Island. Ito ay bahagi ng P14.4 million jathropa plantation project sa nabanggit na lugar.

Bahagi ng naturang proyekto ang mahigit 810 ektaryang lupain sa Passi City.

Ang Pangulong Arroyo ay nagbisita sa nabanggit na lugar upang tingnan ang kalagayan ng proyekto ng PNOC-AFC. Ininspeksyon din nito ang 607.66 ektaryang lupain sa labing-anim (16) na mga inland barangays na nataniman na ng jathropa.

Ayon pa kay PNOC-AFC President Romeo Tolentino ikinatuwa ng Pangulong Arroyo ang progreso ng naturang proyekto na nakapag-ambag ng malaki sa kanyang hangarin na mataniman ng jathropa ang 50,000 ektaryang bakanteng lupain sa buong bansa.

Ang nasabing proyekto na nagsimula noong Hulyo ay nakapaglikha na ng maraming trabaho at nakapagpataas din sa kita ng mga magsasaka.

Ani Tolentino payag din ang Pangulong Arroyo sa balak ng PNOC-AFC na magtayo ng jathropa nursery sa Passi ng sa ganun ay hindi na nila kailangan pang i-transport ang mga binhi mula sa Zambales, Ilocos Norte at Nueva Ecija. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DOLE to hire mentors for "Kabataan ITo" project
»Breastfeeding mothers join UN call to fight poverty
»DSWD to enumerate real poor households
»AFP arrests ASG sub-leader
»200 metric tons of high-energy biscuits airlifted to RP flood victims
»AFP cries foul over charges of militarization, Andap mining
»DENR celebrates 14th anniversary in austerity
»Caraga police welcome voluntary surrender of loose firearms
»Capiz Rotarians host career forum
»NVizcaya Church-based coops perform well
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines