Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 22 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/21

Tagalog News: Feature: Alamin ang iyong karapatan bilang Consumer

Ni Carlo P. Canares

Laoag City, Ilocos Norte (21 October) -- Ngayong buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang ang Consumer Welfare and Protection Month. Itinataguyod nito na maging kuntento at protektado tayong mga consumers.

Bilang consumer o mamimili, binigyan tayo ng pamahalaan ng proteksyon sa ilalim ng Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines. Naisa-batas ito noong July 15, 1992 at sinasaad ang State policy na pagbibigay proteksyon sa interes ng bawat consumer, pagtaguyod ng ating mabuting kapakanan at pagkakaroon ng tamang panuntunan sa pangangalakal at pagnenegosyo. Binibigyan halaga din ng pamahalaan ang mataas na papel nating consumers sa pagpapaunlad ng ekonomiya at bansa.

Sa nasabing batas nakasaad ang walong karapatan nating mga consumers.

Una na dito ang right to basic needs. Tayo, bilang consumer, ay may karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay. Dahil dito, makakaasa tayo na mayroon basic goods sa merkado sa abot-kayang halaga at dekalidad.

Tayo ay mayroon karapatan sa tiyak na kaligtasan sa mga panindang makakasama o mapanganib sa aking kalusugan. Ang 'right to safety' ay nagbibigay sa atin ng proteksyon at umasa tayo na ang mga 'manufacturers' ay magsasagawa ng 'extensive safety and performance testing' bago nila ilabas sa merkado ang kanilang paninda. Basahin natin mabuti ang mga 'labels' na nagsasaad ng tamang impormasyon tungkol sa mga produkto, kung papaano ito gamitin, pati na din ang mga 'precautions o warning signs.'

Mayroon tayong karapatan sa lahat ng impormasyon na kailangan natin para makapamili. Karapatan din natin mapangalagaan laban sa mapanlinlang at madayang patalastas o etiketa. Kung kaya't dapat bigyan tayo ng tamang impormasyon na dapat natin basahin mabuti upang makapamili ng wasto.

Isa pa natin na karapatan bilang consumer ay ang karapatan na makapamili. Bibigyan tayo ng dekalidad na mga produkto at serbisyo na mapagpipilian.

Karapatan natin ang makatiyak na ang kapakanan natin bilang mamimili ay lubusang isasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.

Ang 'right to redress' ay nagbibigay proteksyon at 'compensation' laban sa mababang uri ng paninda o serbisyo. Kung kailangan, mabibigyan tayo ng libreng tulong sa paglilitis upang ipagtanggol ang ating karapatan. Maaari natin isauli ang mga depektibong bagay saa mga tindahan o tao na pinagbilihan natin nito.

Binigyan din tayo ng 'right to consumer education' o karapatan na makakuha ng kailangang kaalaman upang makapamili ng wasto. Umasa tayo na ang mga sektor ng pamahalaan, business at consumer ay magsasagawa ng information campaign tungkol sa 'consumer-related issues.'

Ang ika-walo natin na karapatan ay 'right to a healthy environment.' Karapatan natin mabuhay at magtrabaho sa ligtas at malinis na mundong magpapahintulot ng marangal at malinis na pamumuhay. Ang pamahalaan ay dapat magbigay proteksyon sa kalikasan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DepEd, Hedcor ink MOA for school building donation
»DOF backs bid to extend travel tax exemption in EAGA
»Malay investors eye Sabah-Davao trade
»BFAR invites players in mariculture
»Cebuano News: Abatan ni Tamblot musicale ipasundayag sa Antequera Nights karong Octubre 24
»Cebuano News: "Ramil" mahimong mokusog sa sunod nga duha ka adlaw
»Zambo Norte approves STL
»Communist rebels surrender to 101st Brigade
»Zambo Gov: CMC sole info source on Fr Sinnott's adbuction
»Leyte honors oldest WWII veteran in Region 8
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines