Tagalog News: Isama ang pamilya ng Filipino veterans sa emergency employment program - PGMA
Manila (21 October) -- Ipinag-utos ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsama sa talaan ng pamilya ng mga Filipino veterans sa emergency employment program.
Ipinaabot ng Pangulo ang kautusan sa mga miyembro ng Gabinete na kinabibilangan nina Presidential Adviser Gabby Claudio, Social Welfare and Development Secretary Esperanza Cabral, at Labor Secretary Marianito Roque, na dumalo rin sa 65th Commemoration ng Leyte Gulf Landing.
Ang Comprehensive Livelihood and Emergency Employment Program (CLEEP) ay isang programa ng pamahalaang naglalayon matulungan at maprotektahan ang ilang sector tulad ng mga mahihirap, mga dating sundalo, mga manggagawa ng export industry, at mga out-of-school youth, sa pamamagitan ng pagbigay o pagpondo ng mga proyektong pangkabuhayan.
Ayon kay Pangulong Arroyo, mula nang siya ay manungkulan, kanya nang ipinaglalaban ang pagbibigay ng pamahalaan ng Estados Unidos sa mga benepisyo ng mga beterano.
Matatandaang nilagdaan ni US President Barack Obama noong Perbero 17 nitong taon ang American Recovery and Reinvestment Act of 2009 na nagbibigay ng one-time lump sum sa World War II Filipino veterans. (Hannah/PIA 12) [top]