Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/22

Tagalog News: Mga barangay ng Calapan, patuloy na pinauunlad ni Gobernador Arnan

Calapan City (22 October) -- Ang patuloy na pagpapaunlad ng agrikultura ay patuloy na pagpapaunlad ng lalawigan ng Oriental Mindoro. Agrikultura ang industriyang pinagkukunan ng kabuhayan ng pinakamalaking bahagdan ng kabuuang populasyon ng lalawigan kung kaya't sa administrasyon ni Gobernadoro Arnan C. Panaligan ay nananatiling pinakaprayoridad ang pagpapaunlad ng sektor na ito.

Simula pa noong maglingkod bilang punong lungsod ng syudad ng Calapan hanggang sa pagsisilibi bilang punong lalawigan, ibinubuhos ni Gobernador Arnan ang napakaraming bilang ng mga proyektong pang-agrikultura sa iba't ibang barangay.

At isa sa mga barangay na nabigyan ng maraming suporta ang Barangay Camansihan na isa mga barangay na may malawak na palayan sa syudad ng Calapan.

Una ng naging benepisyaryo ng mga binhing pananim ang barangay na ito bilang bahagi ng patuloy na pagkakaloob ng administrasyong Panaligan ng mga hybrid rice seeds at mga organikong pataba sa mga magsasaka ng iba't ibang barangay sa buong lalawigan.

At sapagkat batid ng gobernador na patubig ang isa sa pinakamahalaga sa pagtatanim, sinikap nito at walang tigil siyang nakipag-ugnayan sa tanggapan ng Pangulo at sa National Irrigation Administration upang maisaayos ang Baco-Bucayao Rivers Irrigation System. Noong nakalipas na taon, naipatapos ang P80 milyong proyekto na nagpapatubig sa humigit-kumulang sa 4,000 ektaryang palayan ng syudad ng Calapan at bayan ng Naujan.

Mula sa BBRIS, dumadaloy na ngayon ang tubig sa mga palayan ng Barangay Camansihan sa syudad ng Calapan.

"Kung ang lahat ng kanalita dito ay patuloy na maisasaayos ay nasa 99% ng mga palayan dito ay mapatutubigan ng BBRIS na napakalaking tulong sa mga magsasaka. Napakaling bagay po ang maayos na patubig sa pagbuti ng aming ani," ayon kay Jimmy Soriano na siyang kasalukuyang pangulo ng irigators association ng Barangay Camansihan.

Ayon pa kay Soriano, ang dati-rating 60 kabang palay kada ektaryang ani ng kanilang mga sakahan noong walang maayos na ay umaabot na ngayon sa 100-120 kaban kada ektarya.

Nakapagkaloob na rin si Gobernador Arnan ng suportang pinansyal bilang equity counterpart ng samahan ng mga magsasaka sa National Irrigation Administration upang maipagawa ang mga small at communal irrigation system.

Napakahalaga rin ng pagbubukas ng farm-to-market roads. Mayor pa lamang si Gobernador Arnan, naipakongkreto na niya ang may mahigit apat na kilometrong kalsada mula dito sa Barangay Managpi papasok hanggang sa Barangay Camansihan. Sa kanyang panunungkulan bilang punong lungsod ng Calapan, naipakongkreto ni Gobernador Arnan ang mga kalsada ng mga barangay ng syudad. Ang mga ipinakongkretong kalsada ang nagpapabilis ngayon ng paglalabas ng mga produkto mula sa kabukiran patungong mga pamilihan sa kabayanan.

Sa paglalaan ng pondo ng administrasyong Panaligan para sa post harvest facilities, ang mahigit apat na daang metro kwadradong multi-purpose pavement na ito ang naibigay sa Barangay Camansihan. Bahagi rin ng pondong ipinagpatayo ng palay shed na ito ay mula sa administrasyong Panaligan.

Bahagi rin ng programang pang-agrikultura ang pagtataguyod ng mga teknikal na tulong sa mga magsasaka at mga pagsasanay tulad ng Farmers Field School na kung saan ay itinuturo sa mga magsasaka ang mga makabago at makakalikasang tekonolohiya sa pagsasaka.

At ito ang binigyang diin ni Gobernador Arnan sa kanyang pagdalo sa pagtatapos sa Farmers Field School on Palay Check System ng mga magsasaka ng Barangay Camansihan kamakailan.

"Agrikultura ang sandigan ng ekonomiya ng lalawigan ng Oriental Mindoro. Kaya't ang pamahalaang panlalawigan ay walang tigil na nagkakaloob ng mga kailangan suporta sa sektor ng agrikultura. Ang pagpapabuti ng sektor na ito ay pagtitiyak na magiging produktibo ang mga palayan upang mapanatili ng Oriental Mindoro ang katayuan nito bilang rice granary ng rehiyon. Bukod sa pagtitiyak ng bigas para sa mga taga-laalwigan, maraming lalawigan ang umaasa sa ani nating palay. Ito ang napakahalagang ambag ng lalawigan sa food security program ng pamahalaan," ayon pa sa gobernador.

Ang mga magsasakang ito ay sumailalim sa 16 na linggong pagsasanay na ang pangunahing layunin ay ang itama ang ilang maling pamamaaraan ng mga magsasaka upang higit pang maparami ang bilang ng naaaning palay sa kanilang mga palayan.

Nakiisa rin sa pagtatapos si Bokal Abraham Abas na isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga programang pang-agrikultura ng lalawigan bilang committee chair on agriculture ng Sangguniang Panlalawigan.

Dito sa pagtatapos na ito, ipinahayag ni NIA Provincial Superintendent Engr. Luis Café na malaki ang dapat ipagpasalamat ng mga magsasaka sa sigasig ni Gobernador Arnan na maipagawa ang irrigation systems sa lalawigan, partikular na ang BBRIS. Aniya, kung tumigil si Gobernador Arnan sa kanyang walang humpay na pakikipag-ugnayan sa pamahalaang nasyunal ay hindi maisasaayos ang isa sa pinakamalaking proyekto ng NIA sa Oriental Mindoro at sa rehiyon.

Bukod sa mga suportang pang-agrikultura, sa pamunuan ni Gobernador Arnan ay naipatayo ang barangay hall at naipagawa ang plaza sa barangay Camansihan. Ang dalawang palapag na gusali at plaza ay hindi lamang pinagdarausan ng mga pulong at mahalagang okasyon ng barangay kundi nagsisilbi rin itong evacuation center sa mga panahong kailangan.

Ang Barangay Camansihan ay naipaayos at napaunlad sa ilalim ng administrasyong Panaligan. Isa lamang ang barangay na ito na makapagpapatunay na patuloy na naigigiya ni Gobernador Arnan ang mga barangay sa lungsod ng Calapan sa patuloy ring kaunlaran. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Villagers trapped by NPA atrocities
»Davao police looks into Davao links of dreaded rob gang
»7 LGUs in ARMM stand out in good governance
»Tagum conducts disaster assessment
»PNP identifies one of Fr. Lucero's assailants, works on others
»Waray-Waray News: PGMA nagtudlok kan Ricketts komo chairman han OMB; Golez komo Press Undersecretary
»Waray-Waray News: Pilipinas bubuligan han kalibutan nga makabuhat - UN-WFP
»Waray-Waray News: Gabay tagan an mga kunsumidor han lana hin kuwarta kontra nga mag-interbiner an goberno han presyo hine - Salceda
»Waray-Waray News: Tinubdan sa kasayuran pagdagit kang Fr. Sinnott mao lamang ang CMC, hangyo ni Gov. Cerilles
»Waray-Waray News: 7 ka DENR personnel gidagit sa Butuan City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines