Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/22

Tagalog News: Access road concreting project sa MINSCAT pinasinayaan

Calapan City (22 October) -- Isang malaking pagawain na karagdagan sa marami nang proyekto ng pamahalaang panlalawigan ang pormal nang pinasinayaan sa MINSCAT-Calapan City Campus.

Noong Oktubre 6, pinangunahan ni Bise-Gobernador Maria Estela Felipa M. Aceron-Bisnar, kasama sina MINSCAT President Dr. Jesse Zamora, Administrator Emelito Matunan, mga guro at mag-aaral ang pormal na pagbubukas ng 100 metrong access road ng paaralan na ipinasemento ng administrasyong Panaligan.

Ang access road ay karagdagang proyektong hiniling ng MINSCAT na kagyat na tinugunan ng pamahalaang panlalawigan. Noong nakaraang taon, naipasemento na rito ang 200 metrong kalsada na pinondohan ng P1M ni Gobernador Arnan.

Bukod pa ito sa pagpapaayos ng pamunuan ni Gobernador Arnan sa activity center na pinagdausan ng simpleng programa para sa pormal na pagappasinaya ng access road. Ang pagpapaayos ng gusaling ito ay nilaanan ng P100,000 pondo ng pamunuan ni Gobernador Arnan.

Sa programa, binigyang-diin ni Bise-Gobernador Estee na ang proyekto ay maliwanag na patunay na patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa pagkakaloob ng mga katulad na proyekto sa mga institusyong kabalikat nila sa paghubog ng mga kabataang susunod na mamumuno sa lalawigan.

Malugod namang ipinahayag ni Gobernador Arnan na malaki na ang naiaambag ng kanyang pamunuan sa pagpapaunlad ng nag-iisang state college sa lalawigan. Ipinahayag rin niya ang patyuloy niyang pag-asam na magiging isa ito sa mga sentro ng quality education ng rehiyon sa hinaharap.

Ayon naman kay Dr. Zamora, ang kagyat na pagtugon ng pamahalaang panlalawigan sa mga pangangailangan ng MINSCAT at mga mag-aaral nito ay pagpapatunay lamang na nananatiling prayoridad sa lalawigan ang pag-aangat ng antas ng edukasyon na napakahalagang bahagi sa patuloy na pagpapaunlad ng Oriental Mindoro.

Pasasalamat naman ang paabot ni Matunan sa proyekto sa ngalan ng may walumpung faculty members at humigit-kumulang sa isang libo at anim na daang mag-aaral nito.

Nakiisa rin sa okasyon si Bokal Abraham Abas na nagpaabot ng iba pang mga programa nat proyekto ng pamahalaang panlalawigan hindi lamang para sa mga kabataan at mag-aaral. Inilahad niya ang mga kasalukuyang proyektong pangkalusugan, pangkabuhayan, pang-agrikultura at iba pang proyektong pangkaunlaran ng pamahalaang panlalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Villagers trapped by NPA atrocities
»Davao police looks into Davao links of dreaded rob gang
»7 LGUs in ARMM stand out in good governance
»Tagum conducts disaster assessment
»PNP identifies one of Fr. Lucero's assailants, works on others
»Waray-Waray News: PGMA nagtudlok kan Ricketts komo chairman han OMB; Golez komo Press Undersecretary
»Waray-Waray News: Pilipinas bubuligan han kalibutan nga makabuhat - UN-WFP
»Waray-Waray News: Gabay tagan an mga kunsumidor han lana hin kuwarta kontra nga mag-interbiner an goberno han presyo hine - Salceda
»Waray-Waray News: Tinubdan sa kasayuran pagdagit kang Fr. Sinnott mao lamang ang CMC, hangyo ni Gov. Cerilles
»Waray-Waray News: 7 ka DENR personnel gidagit sa Butuan City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines