Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/22

Tagalog News: Pag-aalaga ng kambing, dagdag kabuhayan sa mga magniniyog

Calapan City (22 October) -- Hindi dapat maging mahirap ang mga magniniyog at lahat ng mga pamayanan sa lalawigan na umaasa sa industriyang ito.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan sa Ceremonial Distribution of Goats kaugnay sa pagpapatupad ng Provincial Coconut Industry Rehabilitation and Development Program noong Oktubre 9 sa Provet Satellite Office sa Barangay Labasan, Bongabong.

"Pagyamanin at alagaan ninyo ang mga ibibigay namin sa inyong mga kambing na bahagi ng ating Provincial Coconut Industry Rehabilitation and Development Program, sa ilalim ng livestock production and upgrading ng programa. Naniniwala akong walang magniniyog ang kinakailangang maging mahirap, walang pamayanang umaasa sa pagniniyog ang dapat nakararanas ng kahirapan sapagkat tutulungan namin kayo. Tutulungan kayo ng inyong Pamahalaang Panlalawigan na muling palakasin ang industriyang ng pagniniyog sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng dagdag na pagkakakitaan," paliwanag ng Gobernador.

Kasama ng Gobernador sa pamimigay ng mga alagang kambing si Calapan City Vice-Mayor Rafael Infantado, mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan na kinabibilangan nina PCL Or. Mdo.. Federation President Bokal Robert Concepcion, Assistant Provincial Agriculturist Nilo Dimailig, Provincial Veterinarian Dr. Grimaldo Catapang, Bongabong Breeding Station Officer-in-Charge Francis Dapito, mga kawani ng PPDO at community workers. Nakiisa rin sa programa sina Labasan Brgy. Capt. Simeon Andal, Konsehal Anthony Anastacio ng Bongabong at Engr. Erwin Enriquez na naghahangad maging punumbayan ng Bongabong sa susunod na taon.

Tatlumpung (30) mga kambing ang ipinamahagi sa mga opisyal at kinatawan ng mga barangay mula sa iba't ibang bayan sa lalawigan na paunang mga benepisyaryo ng programa.. Ang Brgy. Mulawin ng Naujan, Malugay ng Socorro, Agsalin ng Gloria, Proper Tiguisan ng Bansud, Bukal ng Bongabong, San Miguel at San Isidro ng Bulalacao at Manaul ng Mansalay ang mga paunang makikinabang sa suportang pangkabuhayan na ito sa mga magniniyog.

"Buong pagmamalaki kong sinasabi na isa lamang ang Oriental Mindoro sa iilang mga lalawigan sa buong Pilipinas na kasalukuyang nagpapatupad ng mga programa sa pagniniyog. Sisimulan na natin sa ating lalawigan ang pagpapatupad ng mga proyektong muling magpapasigla sa ating industriya ng pagniniyog at mag-aangat sa kabuhayan ng ating mga kababayang magniniyog," pagbibigay-diin pa ng Gobernador.

Hinikayat naman ni Vice-Mayor infantado ang mga benepisyaryo na pag-igihin ang pag-aalaga at pagpaparami sa mga alagang kambing na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ng programa upang mapabuti ang kanilang buhay.

"Naniniwala po ako na kapag kami ni Governor Arnan ang magksama, mas mapapabilis ang pag-aapruba at pagpapatibay ng mga programa ng Pamahalaang panlalawigan sapagkat nakikita po natin ang kagandahan ng mga programa ng ating Gobernador. Nais ko pong makatulong sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapatupad ng mga magaganda at mahahalagang mga programa nito," pagbibigay-diin ni Vice-Mayor Raf.

Para naman kay Mang Wenceslao Austria, 73 taong gulang, ng Barangay Proper Tiguisan ng bayan ng Bansud, walang hanggang pasasalamat ang paabot nila sa pamunuan ni Gobernador Arnan sa pagbibigay sa kanilang mga mahihirap ng pagkakataon nupang mapabuti ang kanilang buhay.

"Maraming-maraming salamat po Governor Arnan. Napakalaking tulong po para sa aming mga magsasaka ang suportang pangkabuhayan na ito - ang pagbibigay po ninyo sa amin ng mga alagaing kambing na magsisilbi pong dagdag kita para sa amin na mga umaasa sa pagniniyog. Sisikapin po naming paunlarin at pagyamanin ang kaloob ninyong tulong sa aming barangay," ayon kay Mang Wenceslao. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Villagers trapped by NPA atrocities
»Davao police looks into Davao links of dreaded rob gang
»7 LGUs in ARMM stand out in good governance
»Tagum conducts disaster assessment
»PNP identifies one of Fr. Lucero's assailants, works on others
»Waray-Waray News: PGMA nagtudlok kan Ricketts komo chairman han OMB; Golez komo Press Undersecretary
»Waray-Waray News: Pilipinas bubuligan han kalibutan nga makabuhat - UN-WFP
»Waray-Waray News: Gabay tagan an mga kunsumidor han lana hin kuwarta kontra nga mag-interbiner an goberno han presyo hine - Salceda
»Waray-Waray News: Tinubdan sa kasayuran pagdagit kang Fr. Sinnott mao lamang ang CMC, hangyo ni Gov. Cerilles
»Waray-Waray News: 7 ka DENR personnel gidagit sa Butuan City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines