Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 18 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/22

Tagalog News: Medical, dental mission at PhilHealth para sa masa dinala sa liblib barangay

Calapan City (22 October) -- Mahigit 10 kilometro mula sa bayan ng Bongabong, dinala ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Gobernador Arnan, sa Barangay Carmundo ang mahahalagang proyektong pangkalusugan ng kanyang administrasyon - isang medical/dental mission at pamamahagi ng health insurance sa mga taga-rito at kalapit na mga barangay.

Dito, naghihintay ang mga mag-aaral, guro, mga opisyal at mamamayan ng Barangay Carmundo at mga kalapit na barangay ng Tawas, Sigange at iba pang barangay.

Ang medical mission ay serbisyong hiling ng mga taga-Barangay na kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ayon sa Gobernador. Nakiisa sa gawain ang mga duktor at kawani ng Philippine Army at ng medical workers mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Lubhang malayo sa kabayanan ang Brgy. Carmundo kaya malaking bagay para sa kanila ang mga ipinamahaging kahun-kahong gamot gayundin ang libreng konsulta sa duktor, bunot ng ngipin, tuli at iba pang serbisyong medikal na hatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa barangay.

"Ang medical mission na ito ay programang kahilingan ng inyong mga opisyal ng barangay. Noon lamang nakaraang linggo nang ipaabot ng inyong mga opisyal ang kahilingang magakapgsagawa ng isang medical mission dito sa inyong lugar, kaya ngayon, hatid namin sa inyo ang paglilingkod na ito na alam naming lubha ninyong kailangan lalo na at nasa liblib kayong barangay. Mahirap at magastos ang pumunta sa bayan para lamang bumili ng inyong gamot o magpatingin sa duktor.. Kaya upang kahit papaano ay makatulong kami sa inyong suliraning pangkalusugan, nandirito ang ating mga duktor at iba pang medical workers para magbigay ng kagyat na atensyong medikal sa inyo," paliwanag ng Gobernador.

Sumuporta rin sa gawain sina Calapan City Vice-Mayor Rafael L. Infantado, Bokal Robert Concepcion, Engr. Irwin Enriquez, Konsehal Anthony Anastacio ng Bongabong, mga kapitan at opisyal ng mga magkakalapit na barangay at iba pa.

Binigyang-diin naman ni Vice-Mayor Infantado ang kahalagahan ng paghahatid ng nabanggit na medical mission sa isang liblib na barangay tulad ng Carmundo.

"Alam ko kung gaano kahalaga para sa inyo ang medical at dental mission na ito dahil sa layo ng inyong barangay sa kabayanan. Kaya nga nakikita ko ang kahalagahan ng iba't ibang mga proyektong ipinatutupad ng ating Gobernador sa mga barangay sa lalawigan. At nais kong maging bahagi ng paghahatid ng kaunlaran sa mga lugar sa lalawigan sa pamamagitan ng pagiging katuwang ni Gobernador Arnan sa paglilingkod sa ating Pamahalaang Panlalawigan sa mga panahong darating," ayon kay Vice-Mayor Raf.

Sa Programang PhilHealth Para sa Masa, tinanggap ng mga kapitan ng Barangay Bukal, Sigange, at Tawas ang 210 ID cards para sa kanilang mga ka-barangay na benepisyaryo ng programa.

Sa mga serbisyong pangkalusugan na ito, taus-pusong pasasalamat ang paabot nina Carmundo Brgy. Capt. Faustino Egena, at isa sa kanyang ka-barangay na si Gng. Melita Evia, 40 taong gulang at nabunutan ng ngipin sa kauna-unahang pagkakataon sa pamamagitan ng medical/dental mission na hatid ng Gobernador sa kanilang barangay.

Pasasalamat din ang paabot ni Kapitan Egena sa lahat ng iba pang mahahalagang programang kaloob sa kanila ng pamunuan ni Gobernador Arnan tulad ng kanilang kongkretong kalsada na may habang 250 lineal meters at pinondohan ng P1.2 milyon nga administrasyopn ni Gobernador Arnan gayundin ang isang gusali ng kanilang national high school at ang programang pangkabuhayan sa ilalim ng Likha Ka kung saan nabigyan ng tulong puhunan para sa pag-iitikan ang isang samahan sa kanilang barangay na ngayon ay unti-unti nang umuunlad ang pamumuhay.

Pagkagaling sa medical mission, nadaanan ng Gobernador at mga kasamang opisyal ng pamahalaan ang isang sirang bahagi ng tulay palabas ng Barangay Carmundo. Sa nabanggit na suliranin, nangakong kaagad niya itong ipaaayos para sa kaligtasan ng mga dumaraan dito. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Villagers trapped by NPA atrocities
»Davao police looks into Davao links of dreaded rob gang
»7 LGUs in ARMM stand out in good governance
»Tagum conducts disaster assessment
»PNP identifies one of Fr. Lucero's assailants, works on others
»Waray-Waray News: PGMA nagtudlok kan Ricketts komo chairman han OMB; Golez komo Press Undersecretary
»Waray-Waray News: Pilipinas bubuligan han kalibutan nga makabuhat - UN-WFP
»Waray-Waray News: Gabay tagan an mga kunsumidor han lana hin kuwarta kontra nga mag-interbiner an goberno han presyo hine - Salceda
»Waray-Waray News: Tinubdan sa kasayuran pagdagit kang Fr. Sinnott mao lamang ang CMC, hangyo ni Gov. Cerilles
»Waray-Waray News: 7 ka DENR personnel gidagit sa Butuan City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines