Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2018 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/22

Tagalog News: Senior citizens - dangal ng bayan, noon at ngayon

Calapan City (22 October) -- Dito sumentro ang pagdiriwang ng Senior Citizens Week sa bayan ng Socorro noong ika-9 ng Oktubre.

Sa municipal gymnasium, natipon ang mahigit 1,000 senior citizens, sa pangunguna ng Municipal Federation President Rolando Magnaye, mula sa iba't ibang barangay ng Socorro sa gawain na sinuportahan ng mga opisyal ng bayan, sa pangunguna ni Socorro Mayor Rolando F. Arreola, Vice-Mayor Marvin Umbao, mga konsehal at iba pang opisyal ng pamahalaang bayan ng Socorro.

Sa gawain, binigyang-diin ng Gobernador ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga matatanda sa paghuhubog ng lipunan.

"Kayo po ay nagsisilbing parola sa aming mga kabataan. Kayo po ang nagsisilbing ilaw sa aming daan, ang nagbibigay-ilaw sa landas na aming tinatahak.Sa inyo po kami humihingi ng mahahalagang payo at opinyon sa mga desisyon namin sa aming buhay. Hangad po namin na matagal pa namin kayong makasama upang mas marami pa kaming mga aral sa buhay na matutunan mula sa inyo. Maraming-maraming salamat po sa inyong malawak na karanasan na nagsisilbi naming gabay sa sa aming buhay," paliwanag ng Gobernador.

Naging pagkakataon din ang programa upang maipaalam ng Gobernador ang mahahalagang proyektong pangkaunlarang ipinatutupad ng kanyang administrasyon sa bayan ng Socorro, kabilang na ang pagkakaloob ng karagdagang P2.5 Milyon sa supplemental budget ng lalawigan. Ito ay bahagi ng P5 milyon na counterpart fund ng Pamahalaang Panlalawigan para sa konstruksyon ng Socorro Rural Health Unit.

Ipinahayag naman ni Calapan City Vice-Mayor Rafael L. Infantado ang hangarin niyang makasama ng Gobernador sa pagpapatupad ng mahahalagang programa para sa bayan ng Socorro at sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Kabilang pa sa mga nakiisa sa programa sina Calapan City Councilor Patrick dela Rosa, Bokal Abraham Abas, at Bokal Robert Concepcion, Naujan Councilor Ryan Arago.

Nagkaroon din ng maikling pagkakataon ang Gobernador na makausap ang mga kapitan ng bayan ng Socorro na noo'y kasalukuyang nagpupulong. Kinikilala ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang mahalagang papel ng mga kapitan ng barangay sa paghahatid ng ma programang pangkaunlaran sa mga barangay. [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Villagers trapped by NPA atrocities
»Davao police looks into Davao links of dreaded rob gang
»7 LGUs in ARMM stand out in good governance
»Tagum conducts disaster assessment
»PNP identifies one of Fr. Lucero's assailants, works on others
»Waray-Waray News: PGMA nagtudlok kan Ricketts komo chairman han OMB; Golez komo Press Undersecretary
»Waray-Waray News: Pilipinas bubuligan han kalibutan nga makabuhat - UN-WFP
»Waray-Waray News: Gabay tagan an mga kunsumidor han lana hin kuwarta kontra nga mag-interbiner an goberno han presyo hine - Salceda
»Waray-Waray News: Tinubdan sa kasayuran pagdagit kang Fr. Sinnott mao lamang ang CMC, hangyo ni Gov. Cerilles
»Waray-Waray News: 7 ka DENR personnel gidagit sa Butuan City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines