Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/23

Tagalog News: Pantay na pamamahagi ng Extra Judicial Calamity Fund panawagan ng Central Mindanao bloc congressmen

Koronadal City (23 October) -- Isinusulong ngayon ng mga mambabatas mula sa Central Mindanao ang pantay na pamamahagi ng sampung bilyong pisong (P10B) extra calamity fund na nakapaloob sa proposed Malacaņang certified supplemental budget bill.

Kampante si Cotabato 1st district Representative Emmylou-Talino Mendoza, na ang kanyang sentimyento hinggil sa pantay na pamamahagi ng pondo ay saloobin din ng iba pang mga konggresista mula sa Central Mindanao.

Ang supplemental budget bill na naglalayong idagdag sa calamity fund ay isinusulong ng Malacaņang sa Konggreso bilang "urgent bill" matapos ang malawakang pananalasa ng bagyong Ondoy sa Metro at mga karatig lalawigan.

Ipinaliwanag ni Talino-Mendoza na malaki ang maitutulong ng pondo sa Central Mindanao lalo na sa mabilisang pagsasaayos ng Mindanao River Basin, pagsasaayos ng mga infrastructure na nasira ng mga pagbaha, pagpapanumbalik sa mga nasalantang sakahan at marami pang iba.

Matatandaang mahigit tatlumpung daang libong katao rin ang naapektuhan ng pagbaha sa Central Mindanao na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DSWD funds P7.5-M shelter for MASARA landslide victims
»DOLE names Productivity Olympics winners
»RP delegates gear up for 6th BIMP EAGA Summit in Thailand
»ComVal exec signs local Code for Children
»Road monitor volunteers hit Davao
»Feature: Knowing the State of Naboc River
»Cebuano News: Kapitolyo sa Comval nangandam sa Pasko; Daang Christmas decor gigamit aron makadaginot
»Feature: Bogo Women's Association grows tree seedlings to fight climate change
»Cebuano News: Mga mag-uuma sa Labangan nakadawat ug mechanical flatbed dryers
»NVizcaya DTI warns public vs fake Christmas lights
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines