Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 20 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/26

Tagalog News: PGMA nilagdaan ang Climate Change Law

Manila (26 October) -- Nilagdaan na ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Climate Change Act na inaasahang magpapalakas sa mga programa ng pamahalaan para sa pagtugon sa climate change.

Sa ilalim ng Philippine Climate Change Act of 2009 o Republic Act No. 9729, magiging polisiya na ng pamahalaan ang paggawa ng mga estratehiya upang matugunan ang mga epekto ng mga bagyo at iba pang weather disturbances na patuloy na dumadami dala ng mga pagbabago sa climatic pattern.

Ang nasabing batas ay magiging basehan din ng pagtatag ng National Framework Strategy and Program on Climate Change, na magbibigay pansin sa mitigation at adaptation sa mga epekto ng climate change mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa na bahagi ng pamahalaan.

Bubuuin din sa ilalim ng nasabing batas ang isang autonomous policy-making body, ang Climate Change Commission, na pamumunuan ng Pangulo ng bansa, at mangunguna sa pagset-up, pagcoordinate, pagmomonitor, at pag-evaluate ng mga action plans para sa paghahanda ng bansa mula sa mga malalakas na ulan na maaaring maging sanhi ng baha at landslides, at mula sa malalakas na hangin dahil sa mga bagyo.

Gagawa din ng roadmap upang makaiwas sa mga sakuna at mabawasan ang local carbon emissions sa bansa sa ilalim ng nasabing batas. (Hannah/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Western Visayas housing fair opens
»Cebuano News: NMIS mihatag kaseguroan sa publiko sa limpyo nga karne
»Cebuano News: PGMA, uban mga lider sa ASEAN nagpdayag sa ilang commitment paghatag kaseguruhan sa pagkaon, enerhiya ug seguridad
»Cebuano News: Panagtigum sa mga pangulo sa ASEAN ug 6 nga Asia-Pacific nga mga nasud natapos
»DOLE names emerging industries in Eastern Visayas under Project Jobs Fit
»Waray-Waray News: PGMA ginkarawat in 620 ka-tonelada hin bugas tikang ha Taiwan
»Waray-Waray News: PGMA, iba pa nga lider han ASEAN ginpahugtan an saad nga sisigurohon an pagkaon ug kuryente ha Asya
»Waray-Waray News: PGMA nagduduso han menus nga rekisitos han pautang ha ASEAN
»Cebuano News: Palasyo nagpasalig sa hingpit nga pagpatuman sa Climate Change Act
»Cebuano News: Malacanang wala malisang ni Erap
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines