Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/27

Tagalog News: Ambag ng senior citizens sa kaunlaran ng Oriental Mindoro kinilala

Calapan City (27 October) -- Kinikilala ng pamunuan ni Gobernador Arnan C. Panaligan ang mahalagang ambag ng mga pangunahing mamamayan o senior citizens sa kabuaang pagpapaunlad ng Oriental Mindoro kaya't patuloy itong nagkakaloob ng mga programa at proyekto para sa kagalingan ng sektor na ito.

Ito ang buod ng mensahe ng Gobernador sa selebrasyon ng Senior Citizens Week ng Calapan City Federation of Senior Citizens kasabay ng Regional Celebration of Senior Citizens Week na ginanap noong Oktubre 14 sa DWCC Gymnasium sa syudad ng Calapan.

"Inihahalintulad ko kaming mga bata pa sa mga mabibilis na barko, na kahit masama ang panahon ay maaari pa kaming maglayag samantalang kayong mga pangunahing mamamayan ang mga parola na nagbibigay ng ilaw at tanglaw sa aming patuloy na paglalayag sa madilim na karagatan," ayon sa Gobernador.

Sa pamunuan ni Gobernador Arnan ay nakalatag at tuluy-tuloy na ipinatutupad ang iba't programa para sa kapakanan ng mga matatanda partikular na ang pagkakaloob sa mga ito ng progrmang pangkalusugan.

"Hindi na edukasyon, agrikultura o iba pang programa ang isyu ng mga senior citizens. Ang isyu na sa inyong hanay ay kalusugan kung kaya't dito nakatutok ang mga programa ng aming pamunuan. Prayoridad namin ang senior citizens sa aming inilunsad na Philhelath para sa Masa. Isa mga problemang madalas na kinakaharap ng mga matatanda ay kapag kayo ay nagkakasakit at na-oospital. Tinutugunan po ng Philhealth ang malaking bahagi ng gastusin sa pagpapa-ospital," ayon sa Gobernador.

Ang kapakanan ng mga matatanda rin ang isinasaalang-alang ng administrasyong Panaligan sa pagpapatayo nito ng Botika ng Lalawigan para sa mura at epektibong gamot. Maging sa pagpapatayo ng mga bagong ospital sa syudad ng Calapan, at mga bayan ng Pinamalayan at Roxas ay ang kapakanan ng mga matatanda ang isa sa mga unang tinitingnan ng pamahalaang panlalawigan.

Bukod dito, may laang proyekto rin ang pamahalaang panlalawigan para sa mga programang pangkabuhayan sa hanay ng mga matatanda. Nakapagpapautang, aniya, ang Kapitolyo ng puhunan para sa mga programa o pagsasanay ng mga matatanda upang gawin pa silang mga produktibong mamamayan.

Kaugnay ng pagpapagawa ng mga bagong ospital, batay sa pinakahuling ulat ni Provincial Engineer Elmer V. Dilay, nasa humigit-kumulang sa 50% na ang naipatatapos sa konstruksyon ng Oriental Mindoro Medical Center sa Barangay Sta. Isabel sa syudad. Kumpleto na halos ang civil works sa main building nito at sa susunod na linggo ay nakatakda ang paglalagay ng bubong sa gusali. Sa Marso o Abril ng susunod na taon ay tinatayang matatapos na ang konstruksyon ng bagong Provincial Hospital na may pondong mahigit sa P200M. Ang Pinamalayan Hospital naman ay nasa 30% na ang naipatatapos sa kasalukuyan. Ang kasalukuyang pasilidad ay gagawing 25-bed facility at may may pondong mahigit sa P27M. Tatlumpu't limang porsyento (35%) naman na ang project accomplishment ng renovation, upgrading at expansion ng Roxas District Hospital. Gagawin itong 50-bed facility sa nakalaang pondong mahigit P17M. Ang pagpapagawa ng dalawang ospital sa ikalawang distrito na pormal na pinasimulan noong Hulyo lamang nga kasalukuyang taon ay inaasahang matatapos sa Pebrero ng susunod na taon.

Samantala, ang selebrasyon ng senior citizens week, na pinangunahan ni Ginoong Oscar Ricaflanca na siyang kasalukuyang pangulo ng pederasyon ng mga matatanda ng Calapan, ay dinaluhan hindi lamang ng mga pangunahing mamamayan ng syudad kundi maging ng mga delegasyon mula sa mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Sa okasyon ay pinarangalan si Ginang Amanda Par ng Marinduque bilang Ulirang Nakatatanda ng rehiyon. Naging nominado rin sa patimpalak ng pinangasiwaan ng DWSD sina Dra. Fe Villao ng syudad ng Calapan at sina Ginoong Roberto Hilario ng Bulalacao at Pedro Regalado ng Roxas.

Sa gawain, binigyang-diin ng Gobernador ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga matatanda sa paghuhubog ng lipunan.

Kasama namang dumalo ni Gobernador Arnan sa pagdiriwang sina Bokal Abraham Abas, Konsehal Michael Malauan ng Victoria at Konsehal Ryan Arago ng Naujan. Sina Malaluan at Arago ay ang mga kandidato ng partidong Lakas bilang mga kinatawan ng unang distrito sa Sangguniang Panlalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ASEAN leaders eye intra-regional connectivity
»Reconstruction Commission may borrow from China's $15-B fund
»PGMA, 9 ASEAN leaders cite need for rice reserve
»DPWH Tugbok district completes 2 projects
»LGUs keep KALAHI-CIDDS spirit alive
»Feature: House-building program builds character
»Bureau of Customs XI readies for automation
»Davao Norte to produce rice surplus for Luzon
»IPs to benefit from foreign medical mission
»DA to grant seed subsidies to Davao Norte farmers
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines