Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/27

Tagalog News: Senior citizens ng Calapan, sinasanay mag-computer

Calapan City (27 October) -- Labing-siyam (19) na senior citizens mula sa Lungsod ng Calapan ang paunang benepisyaryo ng libreng Basic IT Training for Senior Citizens ng Pamahalang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Sinimulan noong Oktubre 12, dalawang linggong nagsanay sa basic computer use ang mga senior citizens sa ilalim ng proyektong hiniling ng samahan, sa pangunguna ni G. Oscar Ricaflanca.

Para kay Ginoong Benjamin H. Lim, 69 na taong gulang at isang retiradong accountant, at isa sa mga benepisyaryo ng proyekto, taus-pusong pasasalamat ang paabot nila sa pamunuan ni Gobernador Arnan sa pagbibigay sa kanila ng mahalaga at napapanahong computer training na ito para sa kanilang sektor.

Ayon kay G. Lim, nasa ibang bansa ang isa niyang anak gayundin ang ilan pang mga kaibigan at kakilala, at ang matuto sa pagko-computer ang isa sa mga paraan upang magkaroon siya ng komunikasyon sa mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.

"Very thankful kami sa ating Governor kasi malaking tulong para sa aming mga senior citizens ang computer training na ito. Natututo kami na gumamit ng modern technology, ng computers na pwede naming magamit para makapag-communicate kami sa aming mga mahal na buhay na nasa malayong lugar. Sana marami pang mga katulad namin ang matulungan ng ating Governor na matuto sa pagko-computer," ayon kay Ginoong Lim.

Ayon naman kay IT Trainor Myrna M. Daitol, kabalikat ng Pamahalaang panlalawigan sa pagtataguyod ng programa ang TESDA. Sa loob ng dalawang linggong pagsasanay, kabilang sa mga itinuturo sa senior citizens ang file management, Microsoft Word, Microsoft Excel at iba pa.

Sa programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan, ang Basic IT Training for Senior Citizens - pinatutunayan na mayroon pang ibang makabuluhang bagay na maaaring mapagkaabalahan ang tinatawag nating mga pangunahing mamamayan ng lalawigan, ang ating mga lolo at lola. Binibigyan sila ng bagong pag-asa at pagkakataong makasabay sa mabilis na takbo ng panahon dala ng mga umuusbong na makabagong teknolohiya.

"Kapag natutong mag-computer ang ating mga lolo at lola, maaari siguro kayong makapag-parttime na trabaho, kumuha ng typing jobs ng ating mga estudyante, gumawa ng kanilang research works at iba pang mga report. Hindi pa huli ang lahat para sa ating mga lolo at lola. Marami pa kayong pwedeng magawa," ayon sa Gobernador. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ASEAN leaders eye intra-regional connectivity
»Reconstruction Commission may borrow from China's $15-B fund
»PGMA, 9 ASEAN leaders cite need for rice reserve
»DPWH Tugbok district completes 2 projects
»LGUs keep KALAHI-CIDDS spirit alive
»Feature: House-building program builds character
»Bureau of Customs XI readies for automation
»Davao Norte to produce rice surplus for Luzon
»IPs to benefit from foreign medical mission
»DA to grant seed subsidies to Davao Norte farmers
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines