Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/27

Tagalog News: May 65 bagong NARS beneficiaries sa Oriental Mindoro

Calapan City (27 October) -- May 65 benepisyaryo muli ang NARS o ang Nurses Assigned in Rural Services project sa Oriental Mindoro.

Kamakailan, isinagawa ang dalawang araw na oryentasyon para sa mga bagon NARS beneficiaries kung saan si Gobernador Arnan ang naging pangunahing tagapagsalita noong Oktubre 15-16.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gobernador Arnan ang kahalagahan ng proyektong NARS na nagsisilbing training at pagkakakitaan ng mga bagong nurses..

Aniya ang pagtatayo ng ilan sa malalaking proyektong pangkalusugan na tinututukan ng kanyang administrasyon tulad ng Oriental Mindoro Medical Center, Pinamalayan, at Roxas Hospital ay ilan lamang sa mangangailangan ng mga bagong empleyo. Malaking tulong aniya ang training para sa mga kabataang nurses hindi lamang sa mga hospital higit sa mga rural health unit.

Ang NARS ay itinataguyod ng Department of Labor and Employment upang bigyang-pagkakataon na makapagsanay at makapagtarabaho ng anim na buwan ang mga bagong nursing graduates. Tatanggap ang bawat isa ng P8,000 kada buwan. Katuwang ng DOLE sa programa ang pamahalaang panlalawigan, Department of Health at Department of Education.

Kaugany pa rin nito, pinangunahan ni Gobernador Arnan ang pagbibigay ng nurses' kit sa mga benepisyaryo para sa mas epektibong pagganap nila ng tungkulin bilang health providers partikular sa mga liblib na lugar. Ang kit ay nagmula sa DOH.

Maliban kay Gobernador Arnan C, dumalo sa okasyon sina PESO Manager Antonio Magnaye Jr., Oriental Mindoro Chapter - Philippine Nurses Association President Alvin Villacrusis, DOLE head Juliana Ortega at Ramezes Torres ng OWWA. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ASEAN leaders eye intra-regional connectivity
»Reconstruction Commission may borrow from China's $15-B fund
»PGMA, 9 ASEAN leaders cite need for rice reserve
»DPWH Tugbok district completes 2 projects
»LGUs keep KALAHI-CIDDS spirit alive
»Feature: House-building program builds character
»Bureau of Customs XI readies for automation
»Davao Norte to produce rice surplus for Luzon
»IPs to benefit from foreign medical mission
»DA to grant seed subsidies to Davao Norte farmers
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines