Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/28

Tagalog News: Pagpapaospital dahil sa leptospirosis, sakop na ng benepisyo ng PhilHealth

Lucena City (28 October) -- Inihayag kamakailan ni Dr. Rey B. Aquino, PhilHealth President at CEO na kasama na sa benepisyo ng PhilHealth ang pagkaka-ospital ng isang pasyente na miyembro ng PhilHealth dahilan sa sakit na Leptospirosis.

Ang pahayag ni Dr. Aquino ay ginawa bilang pagsuporta sa panawagan nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Health Sec. Francisco T. Duque III na tulungan ang mga biktima ng nasabing sakit. Ayon pa sa ulat, tumataas ang bilang ng kaso ng Leptospirosis sa mga ospital partikular sa mga lugar sa Metro Manila o National Capital Region dahilan sa masamang dulot ng bagyong "Ondoy".

Ayon pa kay Dr. Aquino, maaaring tukuyin bilang Case Type C ang sakit na Leptospirosis icterohemorrhagica sakaling ang miyembro ng PhillHealth ay pumasok sa ospital na kabilang sa Levels 3 at 4. Sa kasong ito, maaaring makamit ang benepisyo sa paggamit ng kwarto hanggang P800.00 sa bawa't araw ng pagkaka ospital at P28,000 naman para sa mga gamot sa bawa't single period of confinement.

"Maaari din nilang magamit ang benepisyong hindi lalampas sa P21,000 para sa x-ray at laboratoryo na isinasagawa habang naka-confine sa ospital" dagdag pa ni Dr. Aquino.

Ang mga miyembro na nagnanais makakuha ng nasabing benepisyo ay dadaan pa rin sa medical evaluation at iba pang polisiya ukol sa pagbabayad ng claims. Kinakailangan na may sapat na kontribusyon ang isang miyembro ng PhilHealth upang magamit ang nasabing benepisyo. Para naman don sa mga miyembro na employed at Individually Paying Member (IPMs), kinakailangang may tatlong buwan o isang quarter na kontribusyon sa loob ng anim na buwan bago ang buwan ng pagpapaospital.

Samantala, kinakailangan naman na nakapaloob ang pagpapa-ospital sa validity period na nakasaaad sa kanilang Family Health cards para sa Sponsored members at Member Data Records (MDRs) para sa mga Overseas Workers-membersa. Kailangan din na maglakip ng kopya ng MDRs sa kanilang claim.

Ayon sa ulat ng PhilHealth mula Enero hanggang Hunyo 2009, nakapagpabayad na ang PhilHealth ng humigit kumulang P2.3 million ba benepisyo para sa pagapapa ospital ng mga miyembro at dependents nito dahil sa sakit na Leptospirosis. Ang nasabinbg halaga ay kabayaran sa humigit kumulang na 324 claims kung saan ang karaniwang halaga ng bawa't isang claim ay P7,377.00 (R. Orinday/PIA- Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NPA continues use of minors as combatants
»Gov't approves Panglao Airport project, Panay flood control project, education facility
»Feature: Farmers eager to dish out agenda for change
»BOC Davao trains personnel for online operations
»DAR XI goes on-line
»Panabo City holds Children's Festival of Talents
»Feature: 4Ps and the Million Trees Program in Tarragona
»DSWD Caraga conducts team building workshop for employees
»6 PNP members awarded with "Medalya ng Papuri"
»Cebuano News: Relief caravans gusto paunahon ni PGMA sa mga dapit nga agian sa umaabot nga bagyo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines