Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/28

Tagalog News: KALAHI Caravan, isinagawa ng Regional KALAHI Convergence Group sa bayan ng San Andres at San Francisco

by R. Orinday

San Andres, Quezon (28 October) -- Lubos ang ginawang pasasalamat ni Mayor Sonia Emprese at mga miyembro ng Sangguniang Bayan maging ang mga residente ng bayang ito sa mga ahensiya ng pamahalaan na miyembro ng Regional KALAHI- Convergence Group IV-A na nagbigay ng mga tulong o serbisyo sa mga mamamayan ng San Andres noong Oktubre 21, 2009 sa ilalim ng programang KALAHI Caravan.

Ang KALAHI Caravan (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan) program ay isa sa mga programang ipinatutupad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naglalayong ilapit ang mga tulong o serbisyo ng iba't-ibang tanggapan ng pamahalaan sa mga mamamayan kung saan ang mga benepisyaryo ay pawang mga mahihirap na pamilya sa mga malalayong lugar.

Bukod sa maikling programa na ginawa sa Covered Court ng San Andres, tampok din ang isang medical/ dental mission ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSWO) katuwang ang Department of Health (DOH-IV-A), IPHO- Quezon at ng DepEd-Region IV-A.

Bukod sa PCSO, Department of Health (DOH-IV-A) at Department of Education (DepEd-IV-A), nagbigay din ng tulong ang iba pang ahensiya ng pamahalalaan kagaya ng Department of Agriculture (DA-IV-A), DENR-PENRO at ENRO-Quezon, Deparment of Trade and Industry (DTI-IV-A), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-IV-A), Department of Public Works and Highways (DPWH/PEO), Philippine Coconut Authority (PCA-IV-A), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-IV-A), PhilHealth IV-A), Deparrtment of Agrarian Reform (DAR), Department of Labor and Employment (DOLE-IV=-A), National Food Authority (NFA) Philippine Provincial Veterinarian Office at Southern Luzon State University (SLSU) at National Statistics Office (NSO-IV-A).

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Quezon Gov. Rafael Nantes ay nagkaloob naman ng mga jetmatic pumps, PhilHealth Cards at Swine Dispersal Project.

Dumalo sa nasabing okasyon at nagpahayag ng kanilang mensahe o suporta sa programang KALAHI Caravan sina Presidential Assistant for CALABARZON Emiliana Jabola; G. Antonio Robles, Senior Economic Development Specialist ng NEDA- IV-A at Quezon Gov. Raffy Nantes.

Nauna dito, ginanap din ang KALAHI Caravan sa bayan ni Mayor Ernani Tan ng San Francisco, Quezon noong Oktubre 20, 2009 kung saan ang Regional KALAHI Convergence Group ay nagkaloob din ng halos na katulad na tulong at serbisyo sa mga mamamayan ng San Francisco, Quezon. (PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NPA continues use of minors as combatants
»Gov't approves Panglao Airport project, Panay flood control project, education facility
»Feature: Farmers eager to dish out agenda for change
»BOC Davao trains personnel for online operations
»DAR XI goes on-line
»Panabo City holds Children's Festival of Talents
»Feature: 4Ps and the Million Trees Program in Tarragona
»DSWD Caraga conducts team building workshop for employees
»6 PNP members awarded with "Medalya ng Papuri"
»Cebuano News: Relief caravans gusto paunahon ni PGMA sa mga dapit nga agian sa umaabot nga bagyo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines