Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/28

Tagalog News: Calabarzon search and rescue plan inihanda

Calamba, Laguna (28 October) -- Pinangunahan nina P/C Supt Perfecto P Palad, regional director ng Philippine National Police at kasalukuyang Chairman ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC 4A) at Vicente Tomazar, regional director ng Office of the Civil Defense at RDCC executive officer ang isang pagpupulong sa mga kasapi ng search and rescue committee ng RDCC na ginanap ngayon araw (Oct. 27,2009) sa PNP Multi Purpose Center sa Camp Vicente Lim ng lunsod na ito.

Layunin umano ng pagpupulong na makabuo ng isang pangrehiyong plano para sa mabilis na pagresponde ng mga search and rescue teams na mailigtas ang buhay ng mga mamamayan sa panahon ng kalamidad o pangangailangan sa kanilang lugar na nasasakupan sa ating rehiyon.

Sinabi ni RDCC chairman na isa sa mga pangunahing dahilan sa pagsasagawa ng plano ay ang nakitang kakulangan kundi man kawalan ng kaukulang aksiyon sa mga apektadong pamilya sa lalawigan ng Rizal at Laguna nitong nakaraang kalamidad dulot ng bagyong Ondoy.

Ayon kay Palad kailangan mayroong mga sinanay, laging handa at mga gamit na kakailanganin para sa mabilis na pagresponde sa ibat-ibang uri ng kalamidad tulad ng baha, landslide, collapsed structure, sunog,sea disaster, hazardous materials at iba pa.

Napagalaman sa pagpupulong na may anim na search and rescue (SAR)komite ang nabuo sa ilalim ng RDCC na mangunguna sa pagsasagawa ng search and rescue operation sa panahon ng pangangailangan. Ang mga komite ay ang Collapsed structure search and rescue (CSSR), Hazardous materials (Hazmat), Ground SAR (landslide), Engineering services at dalawang komite sa water search and rescue (WASAR) ang inland flashflood at sea disaster.

Ang bawat komite ay kinabibilangan ng ibat ibat ahensiya ng gobyerno kasama na ang lokal na pamahalaan at ilang pribadong sektor kung saan kinakailangan nilang maorganiza at sanayin ang kanilang mga SAR teams upang maging ganap ang kahandaan sa anumang oras. (pia) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»NPA continues use of minors as combatants
»Gov't approves Panglao Airport project, Panay flood control project, education facility
»Feature: Farmers eager to dish out agenda for change
»BOC Davao trains personnel for online operations
»DAR XI goes on-line
»Panabo City holds Children's Festival of Talents
»Feature: 4Ps and the Million Trees Program in Tarragona
»DSWD Caraga conducts team building workshop for employees
»6 PNP members awarded with "Medalya ng Papuri"
»Cebuano News: Relief caravans gusto paunahon ni PGMA sa mga dapit nga agian sa umaabot nga bagyo
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines