Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/30

Tagalog News: "Sama-Samang Pagtulong Relief Caravan" dumalaw sa Quezon

by Lito M. Giron

Lucena City (30 October) -- Mahigit na 1,000 relief goods at 1,000 medical kits ang ipinagkaloob sa Quezon Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay ng programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na "Sama-Samang Pagtulong Relief Caravan".

Sa isang simpleng programa dito, tinanggap ni Provincial Administrator Aristeo Flores mula kay DSWD IV-A Regional Director Honorita Bayudan ang mga relief goods at medical kits sa harap na rin ng mga miyembro ng PDCC.

Ayon kay Dir. Bayudan, mahigit na 10 lalawigan sa bansa ang sabay-sabay na nagsagawa ng relief caravan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat PDCC sa panahon na mayroong kalamidad.

"Ito ay paghahanda lamang kung sakaling mayroong kalamidad na dumating subalit kung wala namang bagyo ay maaaring ang mga relief goods ay gamitin sa mitigation program ng DSWD sa kanilang lugar, dagdag pa ni Dir. Bayudan.

Itinanggi naman ni Dir. Margine Flores ng DSWD Central Office, na walang halong pamumulitika ang relief caravan na ito na kung saan ay nais lamang ng Pangulo na may nakahanda na kaagad na relief goods para sa mga tao kung sakaling may dumating na kalamidad.

Nagpasalamat naman si Administrator Flores sa DSWD sa pagbibigay ng relief goods sa Lalawigan ng Quezon bagama't hindi ito naapektuhan ng dalawang nagdaang bagyo na Ondoy at Pepeng.

Ang relief caravan ay sinuportahan din ng Department of Education (DepEd), Presidential Management Staff (PMS), Department of Health (DOH), Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). (PIA4a) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ICC CABCOM approves HR facility, advises tax enhancement program
»NEDA Board approves Laguna de Bay rehab and Panglao Airport projects
»Homebuyers flock to housing fair, eye affordable Pag-IBIG package
»Civil society optimistic despite ASEAN snub
»USWAG GK Village in Kinuban flooded with delicious arroz caldo
»Panabo adopts Conservation Farm Village
»Lady guard receives recognition for honesty
»Panabo PCCDC conducts mangrove planting
»LandBank assists Ondoy casualties
»Davao Region's finest public cemetery, ready for Undas
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines