Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/30

Tagalog News: 4 koliheyo sa Laguna nanguna sa Philippine Statistics Quiz provincial elimination

Calamba (30 October) -- Nais ipabatid ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña ng National Statistics Office (NSO)-Laguna na limang estudyante ng apat na kolehiyo ang nanguna sa tagisan ng talino sa estadistika sa Philippine Statistics Quiz- Provincial Elimination noong ika-23 ng Oktubre, 2009 sa Cultural Center, Provincial Capitol, Sta. Cruz, Laguna.

Sila ay ipadadadala sa Lipa City sa ika-12 ng Nobyembre 2009 upang makipatunggali sa iba pang mga kalahok ng ibat-ibang lalawigan na nasasakop ng NSO-Region IV-A (CALABARZON). Ang unang mananalo sa Regional Elimination ay makakalahok naman sa national finals sa buwan ng Disyembre 2009.

Buhat sa Laguna, mapalad na nagwagi ng unang karangalan si Driesch Lucien R. Cortel, estudyante ng University of the Philippines - Los Baños, Laguna na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Statistics. Ginabayan siya ng kanyang coach na si Ms. Nellwyn M. Levita.

Dalawang estudyante naman buhat sa Laguna College ang magkasunod na umani ng ikalawa at ikatlong karangalan. Sila ay sina Michael A. Jaurigue at Adrian Jay S. Capiña na kapuwa kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy. Si Ms. Niela Maghirang ang naging coach ng dalawang nanalong estudyante.

Umakyat sa pang-apat na pwesto si Krestian Lee Fernandez na kumukuha ng Bachelor of Science in Accountancy sa San Pablo Colleges. Siya ay sumailalim ng patnubay ni Professor Chona Y. Palencia.

Nagkamit naman ng ikalimang karangalan ang estudyante ng Bachelor of Secondary Education na si Marc Aller Anthony M. Guevarra ng Laguna State Polytechnic University-San Pablo City Campus. Si Ms. Arlene P. Mario ang kanyang naging coach.

Tumanggap ng salaping gantimpala at tropeyo ang limang nanalo buhat kay Gobernador Teresita S, Lazaro. Pinagkalooban naman sila ng NSO-Laguna ng Certificate of Recognition at token, gayundin ng salaping gantimpala, Certificate of Recognition at token ang mga coach bilang pagkilala sa kanilang kahusayan sa paggabay sa kani-kanilang contestants.

Ang resulta ng patimpalak na ito ay magpapatunay kung gaano ka-epektibo ang pagtuturo ng estadistika bilang bahagi ng matematika sa high school. Ang PSQ ay isinusulong din ng Commission on Higher Education (CHED). (NSO Laguna/pia4a) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ICC CABCOM approves HR facility, advises tax enhancement program
»NEDA Board approves Laguna de Bay rehab and Panglao Airport projects
»Homebuyers flock to housing fair, eye affordable Pag-IBIG package
»Civil society optimistic despite ASEAN snub
»USWAG GK Village in Kinuban flooded with delicious arroz caldo
»Panabo adopts Conservation Farm Village
»Lady guard receives recognition for honesty
»Panabo PCCDC conducts mangrove planting
»LandBank assists Ondoy casualties
»Davao Region's finest public cemetery, ready for Undas
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines