Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 22 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/31

Tagalog News: Mga awtoridad, nananawagan sa publiko na ipagpaliban ang pagbiyahe ngayong araw na ito.

Quezon City (31 October) -- Muling nananawagan din ang mga awtoridad sa publiko na ipagpaliban ang kanilang mga lakad sa araw na ito sa mga lugar na mayroong babala ng bagyo.

Taglay ang lakas ng hangin na 150 kilometro bawat oras at pagbugso ng 185 kilometro bawat oras, tumama sa kalupaan ng Quezon province ang bagyong Santi kaninang hatinggabi.

Signal No. 3 sa Rizal, Laguna, Cavite, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Lubang Island, Metro Manila at Bataan.

Signal No. 2 sa Pampanga, Bulacan, Quezon, Polilio Island, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Marinduque, Romblon at Calamian Group.

At Signal No. 1 sa Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Nueva Ecija, Albay, Burias Island, Northern Palawan at Northern Panay.

Sa ulat ng Philippine Coastguard (PCG), mahigit sa walong libong katao ang na-istranded sa mga pantalan sa National Capital Region at Katimugan Luzon.

Bukod sa PCG, nagtalaga rin ng mga tauhan ang Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at AFP NCR Command sa iba't-ibang panig ng Metro Manila.

Sa lakas ng hangin dala ng Bagyong Santi, may mga linya ng MERALCO ang naapektuhan at nagdulot ng brownout sa Tanay, San Mateo, Jala-Jala, Marikina at Quezon City.

Ayon sa MERALCO, isang daan at dalawa mula sa mahigit na anim na raan nilang sirkito ang naapektuhan ng malakas ng hangin dala ng bagyong Santi.

Iniulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) na mahigit sa 23,000 pamilya ang nailikas sa mga evacuation centers sa National Capital Regions, Region 4-A at Region 5.

Nagpalabas din ng tubig ang Ambuklao Dam sa apat nitong gate bilang preventive measure.

Kaninang alas kuwatro ng umaga, umaabot sa 740.63 metro ang taas ng tubig sa Ambuklao Dam. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»AboitizPower, SM partner for environmental drawing contest
»Tarragona mothers find steadfast partner in 4Ps
»Army accuses leftist groups of exploiting Lumad minors in rally vs soldiers
»Manual for operating HIV counseling and testing facilities out soon
»IID challenges ASEAN to address conflicts
»Barangay child protection councils should know more about RA 9344 - DSWD XI
»PGMA commits to fast-track Mindanao body bill
»Parishes partner with NFA for "Bigasan sa Parokya"
»Balbalan strengthens programs for children's welfare
»SLCB launches peace building institute in Kalinga
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines