Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 18 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/31

Tagalog News: Bagyong Santi, pinaghandaan ng mga ahensiya

Quezon City (31 October) -- Bago pa man dumating ang Bagyong Santi, gumawa ng mga hakbang ang mga sangay ng pamahalaan para mabawasan ang pinsala sa kanilang nasasakupan.

Ayon sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), may mga lokal na pamahalaan ang agad naglikas ng kanilang mga mamamayan tulad sa Polilio Group of Island at REINA area sa lalawigan ng Quezon kung saan isang daang pamilya ang kasama sa pre-emptive evacuation.

Ganoon din ang ginawa mga taga-Pasig na naglipat ng mahigit sa isang daang pamilya sa Santolan Elementary School at sa Damayan Covered Court sa dako ng Pinagbuhatan.

Pansamantalang inalisan ng National Electrification Authority ng kuryente ang ilang bayan sa Camarines Norte maliban sa Daet bilang bahagi ng pag-iingat sa kanilang mga kagamitan laban sa hagupit ng Bagyong Santi.

Sa pamamagitan ng relief caravan na inutos ng Pangulong Arroyo, ipinusisyon ng mga kagawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga relief supply sa may sampung lalawigan sa Region 4-A at sa Region 5 noong Oktubre 9.

Mahigit sa tatlong milyong piso ang halaga ng mga gamot, family food packs, tubig, kumot, gamot at iba pang suplay ang nakalap ng DSWD mula sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga international donor. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»AboitizPower, SM partner for environmental drawing contest
»Tarragona mothers find steadfast partner in 4Ps
»Army accuses leftist groups of exploiting Lumad minors in rally vs soldiers
»Manual for operating HIV counseling and testing facilities out soon
»IID challenges ASEAN to address conflicts
»Barangay child protection councils should know more about RA 9344 - DSWD XI
»PGMA commits to fast-track Mindanao body bill
»Parishes partner with NFA for "Bigasan sa Parokya"
»Balbalan strengthens programs for children's welfare
»SLCB launches peace building institute in Kalinga
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines