Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 23 October 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2005/08/12

Komentaryo: Sa isyu ng paglutang ni Capt. Mendoza

by Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (12 August) -- Kuwestiyunable na naman ang consistency at kredibilidad ng pinalutang na bagong saksi ng oposisyon upang idiin ang pangulong arroyo sa sinasabing koneksiyon ng testimonya nito sa La Vista payoff ng naunang saksi na si Michael Angelo Zuce.

Walang maihayag na direktang testimonya ang suspendidong Army Captain na si Marlon Mendoza gaya ng kanyang tinuran na narinig lamang daw niya sa kwento ang umano’y pagbibigay ni suspected gambling lord Bong Pineda ng P300m para sa campaign fund ng Pangulo noong eleksiyon.

Hindi rin niya masiguro kung para saan daw ilalaan ang aniya’y perang inabot diumano ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano sa ilang election officials.

Sa nasabing hearing ay nabuksan ang tungkol sa pamumudmod ni Mendoza ng mga “Hello Garci” tapes sa kanyang mga kasamahang sundalo sa Camp Gen. Tinio sa Nueva Ecija. Sa pangyayaring ito ay kaniyang nilabag ang isang military rule ng pagiging “neutral” at apolitical.

Inamin niya rin sa pagdinig na sangkot siya sa isang multi-milyon pisong scam hinggil sa pagbebenta ng mission orders sa mga sibilyan kapalit ng permit to carry firearms outside residence na ibinibigay lamang sa mga kuwalipikadong gun-owners.

Nagbigay ng kanyang pahayag si Cotabato Archbishop Orlando Quevedo na tigilan na ang imbestigasyon sa jueteng at alleged election fraud dahil aniya’y ginagamit na daw ito sa pamumulitika ng ilang mga pulitiko.


Sa impeachment hearing

Di magkamayaw ang mga kongresisitang miyembro ng oposisyon ng mapurnada ang inaasahan nilang unang impeachment hearing sa Kamara ng dahil sa ginawang pagsuspindi dito ni Justice Committee Chair Simeon Datumanong.

Lubhang handang-handa na kasi ang oposisyon at naglagay pa sila ng kulay peach na ribbon o impeachment pins bilang patunay na pinaghandaan talaga nila ang araw na ito.

Hindi kasi maintindihan ng mga pro-impeachment congressmen ang ginawang pagbibigay prayoridad ni Datumanong sa mga pagtatanong ng mga lehitimong miyembro ng nasabing komite.

Pumayag din si Datumanong na isama sa pagtatanong ang mga nag-endorso ng impeachment complaint at mismong mga complainant sa mga lehitimong miyembro ng komite.

Gaya ng inaasahan ay hinusgahan na naman ang naging desisyon na ito daw ay isang pakana ng Malakanyang upang i-delay ang pagdinig.

Malinaw na objective o may punto ang ginawa ni Datumanong. Sa halip na magbangayan, paghandaan na lang sana ng oposisyon ang punto de bista sa nasabing pagtatanong.


Sa isyu ng Zamboanga City bombing

Dalawang malalakas na pagsabog kamakailan ang yumanig sa Zamboanga City na naging sanhi ng pagkasugat ng may dalawampung katao.

Ilang araw bago maganap ang naturang pagsabog ay lumabas sa intelligence report na may mga Indonesian bombers na nakapasok sa bansa na maaring gumawa ng kaguluhan sa iba’t-ibang lugar.

Matamang nakabantay ang intelligence community sa anumang mga banta sa katahimikan subalit nahahati ang kanilang atensiyon ngayon dahil sa patuloy na pagbabanta naman ng pang-aagaw ng puwersa ng ilang mga grupong nagnanais pabagsakin ang pamahalaan.

Paano natin matutulungan ang mga law enforcement agencies at masasabing concern nating lahat ang kaayusan, katahimikan at seguridad ng bansa kung pawang mga Pinoy ang dumadagdag sa mga kaguluhang nagpapalala lalo sa ating mga problema?

Wag sana nating pairalin ang pagiging makasarili dahil lamang sa ating mga politikal na interes. Sa halip ay pag-ibayuhin natin ang pagtutulungan na maprotektahan ang ating national interest. (PIA-La Union) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Gov. Perez bats for inter-province cultural exchange
»Solid waste management program gets boost from Antique government
»Pagadian gets machines to fight dengue
»Komentaryo: Sa isyu ng paglutang ni Capt. Mendoza
»San Fernando City (LU) awarded as a “Dream City”
»GSIS provides P138-M for housing needs of its Cebu members
»Saudi gov't to set up special department for OFWs
»Cebu contributes 10.5 percent to RP 2004 exports
»Typhoon Huaning hits Ilocos
»Banna wins Best Pamilihang Bayan search anew
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines