Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 2 June 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/09/05

Tagalog News: North Luzon projects ng Pangulong GMA, lalakad na

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (5 September) - Nakatakdang bumisita si Presidential Management Staff(PMS) secretary Arthur C. Yap, na siya ring tinaguriang champion ng North Luzon Agri-business Quadrangle(NLAQ) sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Ifugao sa darating na huwebes(Setyembre 7) upang maipaliwanag ang mga proyektong ilalaan ng NLAQ sa dalawang probinsiya.

Ang NLAQ ay binuo matapos ang State of the Nation Address(SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan binigyan niya ng kaukulang pryoridad ang pagbuo ng super regions sa bansa bilang kaakibat sa pangkalahatang pag-unlad ng Pilipinas.

Sa Huwebes isasagawa ang unang NLAQ roadshow o caravan upang pormal na ipaalam sa mga mamamayan ang mga proyektong itatayo sa probinsya ng Ifugao at Nueva Vizcaya.

Ayon sa kanyang itinerary, lalapag si Yap sa Bagabag Airport upang personal niyang aalamin at sasabihin sa mga kinauukulan ang mga problema at mga proyektong nakalaan para dito.

Makikipag-pulong din si Yap sa mga miyembro ng Regional Development Council(RDC) ng Cagayan Valley na pinamumunuan ni Bishop Ramon Villena at mga kagawad ng media upang maipaalam ng lubos ang mga proyekto tungkol dito

Nakatakda ring bibisitahin ni Secretary Yap ang mga production at trading areas ng Banaue Ifugao at ang Casecnan Multi-Purpose Irrigation and Power Project(CMIPP) sa barangay Pelaway sa Bayan ng Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya sa biyernes.

Ang mga proyektong ilalaan ng gobyerno sa ilalim ng NLAQ gaya ng post harvest facilities, farm-to-market roads, pagpapaganda sa mga airports at seaports at iba pa ay napagtibay matapos ang unang pagpupulong ng NLAQ noong nakaraang buwan sa Dagupan City.

Ayon kay Yap, ang mga nasabing proyekto ay kinakailangan upang tuluyang mapabilis ang daloy ng agri-business at turismo sa Luzon. (PIA NVizcaya) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»FPOP to reach out to 25 women per barangay at risk of cervical cancer
»CB sees peso sustaining its strength
»Economy grows 5.5%
»Pres. Arroyo to open Davao DATE 2006
»Gov't to present two major projects to investors
»PNP-Cateel goes after logging mastermind
»Feature: E-learning in the "barrio schools"
»Komentaryo: Supplemental budget, inaprobahan
»Quirino province to celebrate 35th founding anniversary
»Tagalog News: North Luzon projects ng Pangulong GMA, lalakad na
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines