Komentaryo: Mag-ingat sa low-quality na mga semento - DTI
by Rose B. Palacio
Davao City (12 October) -- Nagbigay ng warning ang Department of Industry (DTI) sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga semento, lalo na sa napapabalitang may mga sementong umano'y nanggaling sa China na "low-quality."
Sinabi ni Marizon Loreto, DTI assistant director may nakarating sa kanilang tanggapan na umano'y low quality na mga semento ang ipinagbibili dito sa siyudad mula sa China at ito ay kanilang iniimbestigahan at inaalam ang katotohanan.
Ang ganitong mga semento ay ginagawan ng laboratory testing at hindi malaman ng DTI kung papano nangyari na may mga sementong ipinagbibili na mga low-quality umano.
Inaalam ng DTI kung saan banda sa China napo-produce ang mga sementong napabalitang "low quality" subali't hangga ngayon ay hinihintay naming ang resulta ng verification na ito, aniya.
DAR, naglunsad ng mga proyekto para sa mga Lumads
Ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay naglunsad ng programa para sa pakinabang ng mga indigenous people o Lumads.
Ayon kay DAR XI Director Rodolfo Inson, ang pondong ginamit para sa mga proyekto ng Lumads ay nagmula sa Japan Social Development Fund na iniimplementa sa pamamagitan ng World Bank assisted-Second Agrarian Reform Communities Development projects.
Ang mga lumads mula sa Panabo, Davao del Norte at Haguimitan cluster sa Compostela Valley ay makikinabang sa naturang mga proyekto kaugnay sa hangarin ng Pangulong Arroyo na matulungan ang mga mahihirap at mga IPs sa iba't-ibang region ng bansa. (PIA) [top]