Komentaryo: Take-off ng ekonomiya
by Rose B. Palacio
Davao City (26 October) -- Target ng pamahalaan ang tuluyang pag-take-off ng ekonomiya sa 2010 at nakikiayon ditto and World Bank.
Malalagay lamang ito sa alanganin ayon na rin sa WB official, kung walang suportant pulitikal na tiyak magmumula sa mga pasaway na oposisyon at mga alanganing local official.
Kung papalpak ang mga LGUs sa pagpapaunlad ng ekonomiya lalo na sa kanilang likalidad, dapat lamang silang managot at hindi na mabalik sa puwesto dahil malinaw na kasalanan nila ang patuloy na kahirapan sa kanilang lokalidad sa kabila ng pagsisikap ng Malakanyang.
Todo Bantay laban sa terorismo
Todo bantay laban sa terorismo ang gobyerno. Maximum alert ang military, ang PNP, law enforcers at ang lahat ng mamamayan upang mapanatiling tahimik at payapa ang bansa.
Pero kung mananatiling walang pangil ang batas, tiyak na muling makakalaya ang mga terorista dahil sa mahinang kasong maisasampa laban sa kanila.
Kailangang maaprobahan na ang Anti-Terror Bill upang lubusang masampahan ng karampatang kaso ang mga terorista. At isa pa, ilang Kongreso ang nagkakanlong ng mga bandido at pumuprotekta dito, ayon sa obserbasyon ng iba.
Dapat maging hamon din sa MILF ang pagkakasabit muli ng pangalan ng ilan nilang lider at kasapi sa mga pambobomba sa Mindanao. Sa halip na pairalin ang mentalidad na "protect your own", dapat nang halukayin ng MILF ang kanilang hanay at parusahan ang mga kasabwat ng mga terorista na pumapatay ng mga inosenteng sibilyan. (PIA) [top]