Komentaryo: Nanatiling malakas ang piso
by Rose B. Palacio
Davao City (28 October) -- Ang pananatili ng lakas ng Piso sa 50-peso level kada dolyar, ang malakas na kalakalan sa stock market at pumapasok na mga investment aya isang patunay na patuloy na lumalakas ang ekonomiya ng bansa.
Patunay din ito ng kumpiyansa ng mga negosyante at bumabalik ang kanilang capital sa Pilipinas.
Sana'y tigilan na ng mga militanteng grupo ang kanilang mga rallies at makiisa sa pamahalaan sa patuloy nitong reporma.
Nauunawaan na ng mga investors na ang pag-iingay ng ibang oposisyon at komokontra sa administrasyon ay paghahangad lamang na makalikha sila ng gulo, ani Press Secretary Ignacio Bunye.Umiinit na ang election fever
Ngayon pa lamang ay tila umiinit na ang election fever. Matagal pa ang eleksyon period na mag-uumpisa sa Enero, pero heto at aligaga na ang lahat sa napipintong halalan sa May 2007.
Bakit nga naman ang hindi ay masasabi nating puwedeng mag-vindicate ito sa ating mga politikong nasa likod ng Hello Garcia controversy, pro or anti-administration man.
Mahalaga na mapangalagaan ang kasagraduhan ng proseso ng halalan. Naniniwala tayong gagawin ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito at ibubuhos ang lahat ng available resources para mapanatili ang clean and peaceful elections.
Mas malaki ang hamon sa pamahalaan na maipakitang malinis at honest ang lahat ng aspeto ng paparating na halalan sa susunod na taon. (PIA) [top]