Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 1 October 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/11/08

Komentaryo: Kidnappings, tinututukan ng gobyerno

by Rose B. Palacio

Davao City (8 November) -- Tinututukan ngayon ng gobyerno ang napapabalitang paglala ng kidnapping activities sa bansa. Ang hiling naman ng Philippine National Police ay ipagbigay-alam sa kanila ang ganitong mga insidente.

Subali't ang kadalasang tsinoy na kinikidnap ay hindi nagsusuplong sa mga alagad ng batas. Hindi rin maintindihan si Ms. Teresita Ang-See na nagsisilbing liaison officer ng Filipino-Chinese community sa PNP at may direct line sa hepe nito, kung bakit hindi agad ipinagbibigay-alam ang mga insidente ng kidnapping sa mga tsinoy.

Sa katunayan, tuwinang may ipiniprisenta sa media na mga nadakip na kidnapping suspects, ay kasama ito sa mga press conferences.

Tuwing tatanungin pa ito kung kuntento ang Filipino-Chinese community sa anti-kidnapping campaign ng PNP ay laging maayos naman ang sagot nito.

Madalas na nananawagan ang PNP sa mga pamilyang biktima ng mga KFR groups na huwag mag-abubiling impormahan ang mga otoridad para agad na maaksyunan ang pagdukot, pero paano ngang makukumbinse ang mga ito kung ang mismong liaison officer ay hindi makasunod sa simpleng pakiusap ng Pulisya, ayon sa PNP.


Mga datus sa kidnapping activities

Ang impormasyon mula umano sa pinakabagong ulat ng citizen's action against crime at movement for the restoration of peace and order na pinangungunahan ni Teresita Ang-See ay nagpapahiwatig daw na tumataas ang kidnap for ransom sa Pilipinas.

Umano ay dismayado daw ang Filipino-Chinese community dahil sa madalas makidnap ay mga tsinoy.

Ayon daw sa datus ng CAAC at MRPO, may 55 na naganap na pagdukot sa buong bansa. Sa 55 insidente, 28 ang nangyari sa Metro Manila, 13 sa Mindanao; 11 sa Luzon; 3 sa Visayas. Sa pangkalahatan, 71 katao ang naging biktima sa pagdukot.

Hindi natin maaaring isantabi ang datus mula sa mga organisasyon ng mga Filipino-Chinese community pero hindi din natin agad-agad na dapat tanggapin at face-value. Kapuna-puna kasi na kahit kailan ay hindi nagtutugma ang mga statistics, particular na ng PNP at ng grupo ni Ang See.

Kaya nga hindi natin matiyak kung alin ang tama o mali. Pero hindi natin masisisi ang PNP kung ang mga nakatala lang sa kanilang listahan ay iyong mga kasong idinudulog sa kanilang tanggapan. Kadalasan, hindi idinidulog ng Filipino-chinese community ang mga kidnap for ransom na nangyayari sa mga tsinoy. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DENR keeps watch on Davao's bird hotspots
»Feature: Aging forest rangers, DENR's problem
»Davao Oriental maximizes poverty mapping
»Feature: Military ready for battle, but opts for development
»Dabawenyos give overwhelming response to become poster parents during NYD
»Mindanao trade performance in the upswing
»BIR to taxpayers: Settle accounts with one-time abatement program
»Alay Lakad preparations on
»Exam for brokers, appraisers set Nov. 26
»Komentaryo: Kidnappings, tinututukan ng gobyerno
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines