Komentaryo: Aerial praying, pag-uusapan
by Rose B. Palacio
Davao City (28 November) -- Habang natigil na ang pinag-uusapang aerial spraying, patuloy sa paghahanap ng mga data at ibang impormasyon ang Department of Health (DOH) upang makatulong sa paghanap ng kalutasan sa sensitibong isyu ng aerial spraying.
Dahil sa hangaring ito, ang Regional Inter-Agency Committee on Health and Environment (RIACEH) ng Departamento ng Kalusugan ay magsasagawa ng isang miting sa Nobyembre 29 at DOH compound na magsisimula sa ala-una ng hapon.
Inaanyayahan ang lahat ng mga member-agencies ng RIACEH at magsumite ng kani-kanilang mga reports sa aerial spraying sa hangaring maisumite ang mga additional data at iba pang impormasyon sa city council.
Pagsasama-samahin ang mga data na ito upang isumite sa City Council na nagbabalak magsagawa ng isang council resolution sa aerial spraying on banana plantations, ani DOH XI Director Paulyn Juan Rosell-Ubial.
Kaugnay pa rin ito sa agenda ni Pangulong Arroyo upang mapangalagaan ang kalusugan ng taongbayan at maibigay sa sinuman ang anumang impormasyong kailangan kaugnay sa kalusugan at kalinangan.
NNC, ililipat sa DOH
Mula sa Department of Agriculture, ililipat ang National Nutrition Council (NNC) sa ilalim ng Department of Health, sang-ayon sa Executive Order 472 na pinirmahan ni Pangulong Arroyo.
Ang NNC at ang city nutrition division ng Office of the City Mayor sa ilalim ng pamamahala ni Venus Millana ay magsagawa din ng Awarding para sa mga best performers sa mahusay na pamamahala ng nutrition program sa mga lokal na pamahalaan ng siyudad, municipyo at probinsiya.
Ang Best Performers on Nutrition Awarding ceremony ay gagawin sa Nobyembre 29 at Grand Men Seng hotel, ayon kay NNC regional head Ma. Teresa Ungson. (PIA) [top]