Komentaryo: Sa Isyu ng Pondo
by Rose B. Palacio
Davao City (29 November) -- Tuloy-tuloy ang kabawasan sa budget deficit na lalong pagpapahusay sa sitwasyong pinansiyal ng Pilipinas at nakakatulong para mapondohan ang mga mahahalagang social services, ayon kay Finance Secretary Gary Teves.
Ang pamahalaan ay todo kayod para maipagpatuloy ang achievement sa ipinatutupad na reporma sa pananalapi tulad na lamang na naitalang 56.3 billion peso na budget deficit sa loob ng sampung taon na isa na sa pinakamaliit sa nakalipas na mga taon.
Asahan natin na haharapin at sasagutin ng gobyerno ang isyu ukol sa pagkakawaldas ng pondo ng ODA o official development assistance kaya't hindi napapakinabangan ng husto dito sa Pilipinas at Indonesia.
Survey ng Asian Development Bank
Batay sa survey ng Asian Development Bank (ADB) marami sa mga opinion leaders sa Asya-Pacific ang naniniwala na nasasayang ang ODA dahil sa walang ingat na paggastos lalo na sa mga palpak na proyekto at korupsyon.
Sinabi ni Cabineet Secretary Ricardo Saludo isa pa sa mga programa na prayoridad ng Pangulong Arroyo na humantong sa pagkakasibak, suspendi at pagsasampa ng kaso sa iba't-ibang opisyal at tauhan ng pamahalaan mula sa local na mga gobyerno hanggang sa hanay ng Gabinete.
Patunay lamang na sersyoso ang Administrasyon na malutas ang graft anc corruption sa pamahalaan, ani Saludo. (PIA-XI) [top]