Tagalog News: Palasyo ikinasiya ang improved rating ni PGMA
Manila (17 March) -- Ikinasiya ng Malakanyang ang ginawang suvey na nagpapakita ng pagtaas ng satisfaction ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bunsod na rin ng ma magagandang serbisyong tinatamo ng buong bansa at ng bawat mamamayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, tumugma rin ang ginawang internal polls ng administrasyon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), kung saan ang pag taas ng tiwala at pag asa ay dala ng malakas at malusog na takbo ng ekonomiya sa pamumuno ni Pangulong Arroyo.
Batay sa survey nakapatamo ang Pangulong Arroyo ng -4 na net satisfaction (39% satisfied - 43% dissatisfied). Ito ang naging pinakamagandang iskor magmula noong October 2004 na nakapagtamo ng -6 na rating.
Binigyang diin din ni Bunye na ang pagsulong ng bansa ay totoo at inaasahann ng pamahalaan. Aniya, kasama ng matatag na suporta ng taumbayan, nananatiling matatag si Pangulong Arroyo sa kanyang agenda na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino. (ajph/PIA 12) [top]