Tagalog News: South Cotabato naglunsad ng anti-rabies vaccination drive
Koronadal, South Cotabato (17 March) -- Inilunsad kamakailan ng Provincial Veterinary Office (PVET) ng South Cotabato ang isang rabies eradication program na isasagawa sa buong taon ng 2007.
Ayon kay PVET Chief Dr. Lorna Lamorena, mula noong Enero hanggang Disyembre ay magsasagawa ang ahensiya ng anti-rabies vaccination activities sa lahat ng mga munisipalidad ng South Cotabato.
Aniya, sa 1st Quarter ng taon ay lilibutin ang mga bayan ng Sto. Niņo, Surallah at Banga, sa 2nd Quarter ang Norala at Tupi, sa buwan ng Hulyo at Agosto ang Polomolok, sa buwan ng Setyembre ang Tantangan at sa Disyembre ang bayan ng T'boli.
Noong nakaraang taon, mayroong 16,235 na mga aso ang nalapatan ng anti-rabies.
Dagdag ni Lamorena mayroon ng mahigit 18,000 na mga hayop ang na-deworm, 20,099 sa mga ito ang nabigyan ng lunas sa mga karamdaman habang mayroon namang 1,885 ang iniulat na castrated. (ajph/PIA 12) [top]