Tagalog News: Plataporma ng GO, akma sa priority programs ng pamahalaan - Saludo
Manila (17 March) -- Ang top priority programs ng pamahalaan ay akma sa plataporma ng oposisyon na lilikha ng mga bagong trabaho, inprastraktura, lower cost living at malakas na tax collection.
Ito ay inihayag ni Cabinet Secretary Ricardo Saludo kung saan ang mga plano ng GO (Genuine Opposition) umano ay nababatay rin sa thrusts ng pamahalaan na mapataas ang kalidad ng edukasyon, health spending, maparami pa ang mga programa para sa mga overseas Filipino workers (OFWs), renewable energy development at climate change countermeasures.
Sa ilalim ng estratehiyang "8 Gains by '08)" ng pamahalaan, ito ay susuportahan ng administration's TEAM Unity senatorial slate kung lilikha ng solid gains sa sumusulong na ekonomiya ng bansa sa loob ng anim na taon.
Nagpapasalamat ang Palasyo sa mataas na tax revenues sa inprastraktura at social services spendings na inaasahang tataas sa mahigit P30 billion bawat taon. (anp/PIA 12) [top]