Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 24 June 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2018 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/04

Komentaryo: Pagkain para sa mga nagsisipag-aral

by Rose B. Palacio

Davao City (4 April) -- Pagkain para sa nagsisipag-aral - isang programa ng administrasyon na paiiralin kahit na sa panahong ito ng summer vacation upang mabigyan ng pagkain ang mga naghihirap na pamilya.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque 111, ang inatasan ni Pangulong Arroyo na siyang mamuno sa implementasyon ng Food for Schoolchildren program o FSP, na hihingin nila ang tulong ng mga church organizations para sa implementasyon ng FSP sa hangarin ni Pangulong Pangulong na mabiyayaan ng sapat na pagkain ang mga mahihirap na pamilya.

Ang Department of Health, Department of Agriculture, National Nutrition Council, Department of Education - at ang ibang ahensiya ng gobyerno na naatasang mag-implementa sa anti-poverty program ng Pangulong Arroyo ay agad na kikilos upang ipatupad ang order ng Pangulo.

Gayunpaman, nais linawin ni Secretary Duque na ang pagbibigay ng pagkain para sa mga bata ay hindi nangangahulugan na ito'y may kinalaman sa eleksiyon upang manalo ang kandidato ng administrasyon.

Anuman ang inyong isipin, nangako ang Task for VS Hunger na "full transparency" ang kanilang gagawin sa implementasyon ng programang ito at maaaring bumatikos ang sinuman kung inaakala nilang may pagkakamali sa implementasyong ito na ang tanging hangarin ay makatulong sa mga mahihirap, ani Duque.


Walang halong politika sa Anti-Hunger program ng administrasyon

Tiniyak ni Press Secretary & Presidential spokesman Ignacio Bunye na walang halong politika sa iniimplementang programa ng Administrasyon lalo na ang programa ng Anti-Poverty ng Pangulo.

Nanawagan ang Malakanyang sa mga oposisyon na huwag sirain ang programang ito na ang tanging layunin ay matulungan ang mahihirap nating kababayan na naghihikahos at hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Taimtim ang hangarin ni Pangulong Arroyo upang makatulong sa mga mahihirap lalo pa't patuloy na umaangat ang ekonomiya ng bansa. Panahon na rin upang maibalik ang sakripisyo ng taongbayan dala ng reporamang ipinatutupad ng administrasyon noong nakaraang taon, ani Secretary Bunye.

Kaya lang, ginagawang isyu ng oposisyon ang magandang layuning ito ng Pangulo at sinisiraan. Sa halip na manira, mas mabuti sanang ihayag nila ang kanilang mga agenda kung papano makatulong sa mamamayan na nangangailangan ng tulong, ani Bunye. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Gov't promotes use of alternative fuels
»Women featured in social welfare forum
»Gov't mitigates hunger in RP
»Taiwanese fishing boat rescued at high seas
»Region XI families need P6,290 monthly income to survive
»Adventure racing, mix martial arts dominate latest Scoop forum
»Komentaryo: Pagkain para sa mga nagsisipag-aral
»Feature: Foreign debt reduction and the economy
»Great expectation for another power rate cut
»Transco ensures reliable delivery of electricity during 5-day holiday
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines