Komentaryo: Nilinis ng Comelec, listahan ng mga botante
by Rose B. Palacio
Davao City (17 April) -- Sa wakes ay nalinis din ng Commission on Elections and listahan ng mga registered voters at naalis na ang mga “unscrupulous” na pangalan ng mga botante.
Sang-ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, natanggal ang humigit kumulang na isang milyong pangalan mula sa listahan ng mga botante para sa nalalapit na Mayo 14 halalan.
Ang mga qualified voters ngayon ay umaabot sa 45.5-million para sa nalalapit na halalan, ani Sarmiento.
Noong nakaraang Mayo 2004 halalan, may 100,000 pangalan ng tao ang inalis sa listahan ng mga botante sa ARMM.
Sa kasalukuyan, mayroong 6,059 mga pangalan ang naalis sa listahan ng mga qualified voters sa ARMM.
ULAMA, nanawagan sa mga kapatid na Muslim
Nanawagan ang regional chairman ng ULAMA League of the Philippines, si Mahmuod Adilao sa kanyang mga kapatid na muslim na makipagtulungan at makiisa upang magkaroon ng isang credible at mapayapang halalan sa darating na Mayo 14.
Nanawagan din si Adilao na huag pumunta sa mga presinto kung wala ang kanilang mga pangalan upang hindi sila mapagkamalang “flying boters.”
Sa ngayon, kailangang mabigyan ng education drive ang mga kapatid naming Muslim upang malaman nila kung ano ang nararapat gawin sa araw ng halalan at hindi sila confused, ayon kay Adilao.
Mahalaga ang education drive para sa mga Muslim community upang magkaroon ng isang mahusay na halalan at alam nila kung ano ang nararapat gawin sa araw na ito, aniya. (PIA) [top]