Komentaryo: Halalan na sa Mayo 14
by Rose B. Palacio
Davao City (8 May) -- Sa darating na Lunes, Mayo 14, ito na ang araw na pinakahihintay ng mga rehistradong botante upang magtungo sa prisinto at bumoto.
Matapos na maisagaw ang isang malawakang information drive para sa aming mga kapatid na Muslim, hinimok naming silang ilista na agad ang mga inaakala nilang kandidato na dapat iluklok sa puwesto upang manungkulan ng mabuti sa ating bayan, ani ULAMA League of the Philippines, regional chairman Mahmoud Adilao.
Ayaw naming ng gulo, aniya. Ang mga Muslim community ay tahimik na mamamayan at nais din naming na tumulong at makiisa sa gobyerno upang magkaroon ng isang tunay at credible na halalan, ani Adilao.
Nanawagdin din siya sa kanyang mga kapatid na Muslim na tumulong upang maging mapayapa sa bawat komunidad at yaong hindi boboto, huag na kayong pumunta ng prisinto, Mas mabuting manatili sa inyong sariling mga tahanan at panatilihing mapayapa ang inyong mga lugar, aniya.
Malakawang kampanya ng POEA, lalong palalakasin
Dahil sa mga stranded na mga OFWs na nangyayari ngayon sa ibang bansa, minarapat ng POEA Mindanao region na lalong palakasin ang malaon ng ginagawang kampanya laban sa mga illegal recruiters.
Sinabi ni POEA Mindanao chief Francis Domingo, paulit-ulit na ginagawa ang impormasyon tungkol sa mga illegal recruiters upang maiwasan ito ng publiko. Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasang may naoonse at gumagastos pa rin ng malaki dahil sa panlolokong ginagawa ng illegal recruiters na patuloy na naglilipana kahit na saang sulod ng rehiyon.
Sa ngayon ay tinutulungan ng gobyerno na mapabalik ang libo-libong OFWs na stranded sa iba't-ibang bansa sa pangakong may trabahong naghihintay sa kanila sa broad, subali't kabiguan lamang ang kanilang hinarap pagdating sa ibayong lugar, ani Domingo. (PIA) [top]