Komentaryo: P40-M Canadian financial support para sa Mindanao
by Rose B. Palacio
Davao City (10 May) -- Ang pamahalaan ng Canada, sa pamamagitanng ng Canadian International Development Assistance ay naglaan ng P40-milyong pondo para sa taga-Mindanao.
Ayon kay Canadian Ambassador to the Philippines, Peter Sutherland, ang P40-milyon ay dagdag na pondo sa Mindanao Trust Fund para gamitin sa pag-implementa ng tinaguriang community-driven development projects para sa conflict areas sa Mindanao.
Noong 2006, ang Canadian government ay naglaan din ng pondong P30-milyon para sa Cotabato region. Ang ibang international donors na tumutulong para sa kaunlarran ng Mindanao ay ang bansang Australia, New Zealand at ang Sweden.
Panawagan para sa isang kredibol na eleksyon
Patuloy na nananawagan ang Arroyo administration sa taongbayan na makipagtulungan upang magkaroon ng isang tunay at kredibol na halalan sa darating na Lunes, Mayo 14.
Maliban sa panawagang ito, sinabi ni Congressman Vincent Garcia ng ikalawang distrito ng Davao City na kailangan ding maging vigilant ang taga-Dabaw upang magkaroon ng isang mapayapang halalan.
Hinimok din ni Congressman Garcia ang mga kabataan na makialam, makipagtulungan na maging volunteer poll watchers at alamin ang mga nangyayari o maaaring maganap kung mayroong pandaraya lalo na sa bilangan ng mga boto.
Mahalagang maisakatuparan ang isang demokratikong election, aniya. Maraming mga foreign observers ang maaaring dumating sa ating bansa upang magmasid. Ipakita natin sa ibang bansa na responsible ang mga Pilipino at kaya nating magkaroon ng isang kredibol na halalan, aniya. (PIA) [top]