Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 30 June 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/06/07

Komentaryo: Pamana ng Pangulo sa sambayanan

by Rose B. Palacio

Davao City (7 June) -- Inilahad ng Malakanyang ang 10-point agenda ni Pangulong Arroyo na magsisilbing batayan ng kanyang administrasyon.

Una ay ang paglikha ng sampung milyong trabaho sa loob lamang ng anim na taon. Kasama na rin dito and pagbibigay suporta sa tatlong milyong malilit na negosyante sa pamamagitan ng pagbibigay pautang at training, at dalawang milyong ektarya ng lupa para sa agribusiness.

Ikalawa ay ang pagbibigay ng edukasyon sa lahat ng kabataan, sapat na silid aralan, at computer sa bawat paaralan.

Ikatlo ay ang pagkakamit ng isang balanseng budget pagdating ng taong 2009 sa pamamagitan ng masusing pagkolekta ng buwis at wastong paggastos.

Ika-apat ay ang pagdudugtong sa bawat bahagi ng bansa sa pamamagitan ng mga transportation networks at teknolohiya.

Ika-lima ay ang pagkakaroon ng sapat na tubig at kuryente sa lahat ng barangay sa buong kapuluan.

Ika-anim, ang pag-decongest ng Metro Manila sa pamamagitan ng pagtatayo ng government centers sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ika-pito ay ang pagpapaunlad ng Subic at Clark bilang service at logistics centers sa Timog-Silngang Asya.

Ikawalo ay ang pagpapatibay ng integridad ng eleksyon sa pamamagitan ng computerization.

Ika-siyam ang pagtatamo ng isang makatarungang wakas sa hidwaan sa mga rebeldeng Komunista at Muslim.

Ikasampu, ang pagwawakas sa mga sugat na dulot ng EDSA 1, 2, at 3.

Ang sampung adhikaing ito ang magiging pamana ng administrasyong Arroyo sa sambayanang Pilipino.


DPWH nag-iinspect sa mga paaralan

Patuloy ang ginagawang inspection ng Department of Public Works and Highways sa mga paaralan, tulay at lahat ng ibang inprastraktura para sa proteksyon ng sambayanang Pilipino.

Kaugnay sa order ni DPWH Acting Secretary Manuel Bonoan, sinabi ni DPWH XI Director Dimas S. Soguilon na mahigpit nilang ipinatutupad ang order na ito at may team ang DPWH na patuloy na nag-iinspect sa mga facilities lalo na sa mga paaralan at silid aralan ng mga estudyante dahil sa pagsimula ng klase noong Hunyo 4.

Nakalista din sa DPWH priority lists ang mga lumang tulay na dapat ayusin o magkaroon ng total reconstruction, at isa na ditto ay ang Generoso Bridge sa may Bankerohan na binibigyan ng prioridad ng DPWH regional office upang maiwasan ang congestion sa trapiko dahil nagsimula na ang pasukan.

Sinabi ni Director Soguilon na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matapos sa scheduled date na gusto ni Mayor Rodrigo R. Duterte ang reconstruction ng Generoso Bridge. Magkatuwang na nakikipagtulungan mga ahensiya ng DPWH, city government at iba pang ahensiyang may partisipasyon sa naturang reconstruction ng naturang tulay upang maaga itong matapos, ani Director Soguilon. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao to host PICE National convention
»DPWH to sustain inspecting infra facilities
»Procurement activities, regulated under RA 9184 - DBM
»GSP DavNor council gets hard time enlisting members
»Cardava farmers convene for knowledge sharing
»Davao City, ComVal score highest in loan payment
»Komentaryo: Pamana ng Pangulo sa sambayanan
»Cebuano News: Kusganong ekonomiya magpadayon kung ang nasud magkahiusa paglihok, matud sa Palasyo
»Cebuano News: Bunye nagpahayag sa kaimportansya sa edukasyon pag-us-us sa kalisod
»Cebuano News: Kooperasyon sa Asean ug Portugal nahipanglantawan
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines