Komentaryo: PICE Nat'l convention dito sa Davao
by Rose B. Palacio
Davao City (15 June) -- Umaabot sa humigit-kumulang na 3,000 delegado ang nandito ngayon sa siyudad ng Davao para sa National Mid-year convention ng Philippine Institute of Civil Engineers simula Hunyo 14, 15 at 16. Ang Davao City chapter ng PICE ang host sa tatlong araw na National Convention na nagdadala sa temang "PICE at 70: Civil Engineers Facing the Challenges of the New Millennium."
Ang PICE national president, si Engr. Juanito Abergas ay mismong Assistant Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) central office at kasama din nito sina USEC Bobby Rasuman ng DPWH central office at si ASEC Rafael Yabut, Mindanao operations head ng DPWH central office.
Matatapos ang convention sa Sabado at inaasahan ang pagkakaisa ng mga miyembro ng PICE, ayon kay PICE chapter president Engr. Zards Remojo.
Isa rin sa agenda na pag-uusapan sa national convention ay infrastructure projects alinsunod sa 10-point agenda ni Pangulong Arroyo.
Hinahanda ng DOH, TB activities
Hinahanda na ngayon ng health department ang mga gagawing activities para sa Agosto na selebrasyon ng Lung month. Ayon kay Dr. Lynn Segura, regional coordinator ng National TB control program, magkakaroon sila ng iba't-ibang miting na tatampukan ng TB Alert committee/council members na gagawin sa DOH conference room.
Malawakan ang kampanyang ginagawa ng DOH upang tuluyang masugpo ang Tuberculosis na nananatiling isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng tao. Ang target goal ng gobyerno ay magkaroon ng zero cases sa TB, ayon kay Dr. Segura.
Ang DOH ay may regular na programa na pinamagatang "Takna sa Kahimsug" sa DXRP Radyo ng Bayan. Isa lamang ito sa advocacy outlets na gnagawa ng DOH upang ipaalam sa taongbayan ang tungkol sa mga programang ginagawa ng departamento para sa taongbayan alinsunod sa mga programang ipinatutupad ni Pangulong Arroyo sa ilalim ng kanyang 10-point agenda. (PIA) [top]