Tagalog News: PGMA pinuri ang mga medical directors at hospital heads
Manila (18 December) -- Pinapurihan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga hepe at medical directors ng mga pribado at pampublikong ospital kabilang ang mga kinatawan mula sa ibat ibang health at medical sectors sa pagbibigay kahalagahan ng pagpapasuso ng mga ina at tamang pagpapakain sa kanilang mga anak.
Sa pagsisimula ng pagpupulong ng mga hospital heads at medical directors sa usaping "Infant and Young Child Feeding Strategy," muling isinulong ni Pangulong Arroyo ang pagpapasuso o "breastfeeding" bilang pinakamadali, pinakamura, at pinakamabuting paraan upang masugpo ang kahirapan at ang pagkagutom lalo na sa mga tinaguriang "less fortunate" ng bansa.
Dagdag ng Pangulo ang mabuting nutrisyon ay napakahalaga at napakalaking bahagi ng Accelerated Hunger-Mitigation Program, isang "landmark" initiative ng administrasyong Arroyo. (ajph/PIA 12) [top]