Tagalog News: Pamumuhunan ng Espanya sa biofuel facilities ikinagalak ng Pangulo
Manila (18 December) -- Ikinagalak ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang plano ng Spain-energy based company na mamuhunan ng $250 million upang mapa-unlad ang 50,000 ektaryang cassava plantation sa bansa para sa biofuel production na makakatulong upang magkaroon ng alternatibong mapagkukunan ng supply ng enerhiya ang Pilipinas.
Nakalipas na Enero nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act (RA) 9367 o ang Biofuels Act na naglalayong mapababa ang dependence ng bansa sa pag-aangkat ng produktong petrolyo, dollar-draining at pollution-generating energy resources sa pamamagitan ng paghahalo ng ethanol at coco diesel sa produktong petrolyo.
Kamakailan lamang ay nagpahayag din ang Bionor Transformacio S.A., nangungunang Biodiesel firm sa Europa na mamuhunan ng $200 million para sa pagpapalawak at pagpapa-unlad ng mahigit 100,000 ektaryang plantasyon ng jatropha na magagamit bilang feedstock ng biofuel facilities sa bansa. (Abb/PIA 12) [top]