Tagalog News: Diesel pump price bumaba ng P1.50
Manila (22 July) -- Inihayag ni Press Secretary Jesus Dureza na malaki ang maitutulong ng P1.50 price rollback sa diesel pump price lalo na sa mga mahihirap na Pilipino. Ito ay pagkatapos pumayag ang Petron at Shell na babaan ng kalahati ang nauna ng oil price increase na P3.00 per liter noong Sabado.
Ayon pa kay Dureza, tiwala ang Pamahalaang Arroyo na susunod na ring bababaan ng iba pang oil companies ang kanilang diesel fuel products pagkatapos itong pangunahan ng industry leader na Petron at Shell, kasunod ng apela ng Pangulong Arroyo sa mga ito na babaan ang presyo ng diesel upang maiwasan ang naka-ambang massive strike na isasagawa umano ng mga transport groups.
Noong nakaraang linggo, ipinatupad ng oil industry ang pinakamataas na diesel products price hike dahil umano sa "substantial cost" na kinakailangan pang i-recover ng mga oil companies dala ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng l;angis sa global market. (ac agad PIA 12)
Tagalog News: DSWD nagsisimula sa rehabilitation project
Ini-ulat ni Executive Secretary R. Ermita na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagsisimula na sa pag-implementa ng intensive recovery at rehabilitation project para sa mga nabiktima ng bayong Frank sa Region IV-B (MIMAROPA), V (Bicol) at VI (Iloilo).
Ayon kay Ermita, ang latest developments sa government's rehabilitation efforts para sa mga biktima ng bagyong Frank at ang pag-implementa ng pro-poor program ay naglalayong matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing pangangailangan sa pandaigdigang merkado.
Ayon pa rin kay Ermita, mahigit P33.9 million ang ipapalabas ng pamahalaan sa ilalim ng Emergency Shelter Assistance (ESA) para sa pag-sasaayos sa 1,243 shelter sa Kalibo, 240 sa iloilo City, 100 sa probinsiya ng Iloilo at 35 sa Antique. (KAlbay/PIA 12) [top]